Tinawag ni Vexx ang kanyang kapangyarihang apoy upang ubusin ang mga kalaban. Malaki ang kumpyansiya niyang madali lamang niyang matatalo ang mga ito. Laking gulat niya nang sa laki ng apoy na kanyang pinakawalan ay naglaho lamang iyon nang kainin ng lason na inilalabas ng mga Karisma ng kanilang kalaban. "Sabi ko naman sa 'yo. Iba ang lason na nasa Karisma nila," ani Leo na sinundan na siya sa kanyang pag atake. Muling nagpakawala si Leo ng bagong lakas ng kanyang Karisma kahit pa alam na nito na mahihigop lamang iyon ng Karisma ng mga kalaban. Iyon na ang ginagawa niya nang simulan niya ang laban ngunit nagbabakasali itong makalusot ang kanyang kapangyarihan. Gayunpaman, sa bawat paghigop ng kanyang kapangyarihan ay nanghihina ang kanyang katawan. Napaluhod muli si Leo nang muling mahi

