Ilang araw pa ang lumipas bago nagpasya si Nia na bumalik na sa palasyo. Inayos niya ang Ilmis at nagtakda ng tatayong bagong pinuno na hahali sa kanyang lola na mananatili sa kaayusan ng bayan. Pakiusapan man nila ang dalaga na manatili na lamang doon dahil siya ang susunod na pinuno ng kanilang bayan ay hindi ito pumayag sapagkat may mas malaking reponsibilidad si Nia para sa buong Daestre. Sa loob ng araw na pananatili nila sa Ilmis ay hindi man nagagawang makausap ng mga bituwin ang dalaga na sadyang inaabala ang sarili sa mga gawain sa kanilang bayan. Alam niyang ang pagsasa ayos sa bayan ang isa sa mga pinapangarap ng kanyang lola na kanyang gawin noon pa man. Sa paunti unting pag aayos ni Nia sa Ilmis ay alam niyang nakangiti ang kanyang lola na nakatanaw sa kanyang mula sa kalang

