Laking gulat ni Zarlo nang makita niya mula sa salamin ay gumawa si Kyaka mula usok na kanyang kamukha. "Anong plano ng Kronos na ito? Bakit kinopya niya ang itsura ko?!" giit nito. "Nakaraan at hinaharap." Hindi na napigilan ni Leo ang magsalita. "Kailangan pumili ni Nia sa dalawa para makaligtas sila." Pinag isipang mabuti ni Zarlo ang dalawang salita. Batid niyang ang hinarap ay kaguluhan sa pagitan ng mga Kusai. Sa pagitan nilang dalawa ni Nia at kanyang mga bituwin. Iyon ang kanyang nais. Ang tuparin ang kanyang hangaring makuha ang kapangyarihan ni Basakara at pagharian ang Daestre. Naisip niyang ang maaaring nakaraan ay ang buhay ni Nia bago ito nadawit sa kanyang plano. Ang pagbabalik niya sa bayan ng Ilmis. Nagkamao si Zarlo sa namumuong galit na kanyang nararamdaman. Batid

