Malakas ang malamig na hanging pumapalibot sa malawak na patag na binabaybay ni Leo. Hirap man sa pag sulong ay matagumpay na nahanap ni Leo ang estatwang bato na siyang pinag iimbakan ng liwanag. Agad na hinugot ni Leo ang kanyang Karisma upang simulan ang pagbubukas ng selyo gamit ang kanyang kapangyarihan. Itinuon niya ang kanyang lakas sa dulo ng Karisma, hindi nagtagal ay nagliwanag ang naipong lakas na uminib sa estatwang bato. Gayunpaman ay hindi pa tapos ang tuluyang pagbubukas ng selyo. Kailangan pa niya itong gawan pa ng isa pang pagtutuon ng lakas. Nang maghanda nang muli si Leo sa huling pag anib ng kanyang kapangyarihan sa estatwang bato ay natigilan ito nang makaramdam siya ng prisensya sa kanyang likuran. Alam ni Leo na maaaring sundan sila ng mga Kronos upang pigilan sila

