Hinampas ni Leo ang kanyang kamao sa mahabang mesa na ikinagulat ni Almira na siya pa ring bihag ng mga bituwin. Bagamat pinalaya na siya ni Vexx sa kanyang apoy ay nakagapos pa rin ang kanyang mga paa upang hindi ito makatakas. Ramdam ang bigat sa loob ng malaking silid sa pagkatalo ng mga bituwin sa pag tatanggal ng selyo sa mga imbakan ng liwanag. Nakatanaw si Rava sa malaking bintana habang hinihintay sina Layla at Otis na kanyang ipinatawag. Sa kanilang apat ay si Zenon ang labis na napuruhan sa kanilang pakikipaglaban. Bagamat nilapatan na siya ng paunang lunas ni Konad ay nananatili pa ring mahina ang kanyang katawan. Nagmamadali si Layla sa kanyang pagtakbo patungo sa silid habang nakasunod naman ang kanyang kapatid. Malayo man siya ay nakita niya ang mga pangyayari. Sa pagbuk

