Sa paglayag ng barkong sinasakyan ni Nia ay ramdam niya ang malalakas na alon kahit pa nasa loob ito ng selda. Maliit lamang ang bilog na bintana ngunit kitang kita niya ang pagsugod ng nagngangalit na alon. Naririnig niya ang pagsigaw ng mga alagad ng matanda na abala sa pagpapanatili sa barko sa ibabaw ng dagat. Hindi maliwanag kay Nia kung bakit sa sama ng panahon ay doon pa napag pasyahan ng matanda na mamalagi. Nakatali pa rin ang mga kamay ni Nia dahilan upang hindi niya mapanatili ang balanse ng kanyang pag upo lalo pa't idinuduyan siya ng malakas na alon. Nasira man ang lubid ngunit hindi naging sapat iyon upang tuluyan niya itong masira. Gayunpaman, sa kaunti oras na lumipas ay nagkaroon kaunitng lakas si Nia upang maipaliwanag ang kanyang medalyon. Bahagya lamang ang kislap na n

