Hindi na lang maliliit na bato at mainit na lupa ang binubuga ng bulkan nang makalapit si Nia sa kinaroroonan ni Vexx. Naroon na rin maging si Leo at Rava habang sina Zenon at Konad ay sinisiguradong makakaligtas ang mga mamamayan. "Leo! Pigilan mo ang makakalasong usok at susubukan kong pigilan ang mainit na putik!" sigaw ni Vexx na sinang ayunan ni Leo. Gumawa ng malaking harang si Leo gamit ang kanyang Karisma. Manipis na yelo lamang iyon ngunit nagawa nitong mapigilan ang nakalalasong usok na makarating sa kanilang lugar. Napigilan din nito na kumalat iyon sa kabuoan ng bayan at palasyo. Gamit naman ang Karisma ni Vexx ay gumawa ito ng apoy na hugis dragon na kanyang inutusang kainin ang mainit na putik. Nagawa niyon na mapigilan ang pag agos nito sa bayan. Gayunpaman, sa patuloy n

