Taimtin na nakatingin sa makikinang na bituwin si Nia sa maaliwalas na kalangitan. Nananatili mang blangko ang kanyang isip ay punong puno naman ng pangamba ang kanyang puso. Ibinunyag ni Konad na nakita niya sina Leo, Zenon, at Rava bilang mga tagapangalaga ng araw at buwan. Kwento ni Konad na nakatakda ang mga bituwin na mahanap ang araw at buwan at sa oras na magsama sama na ang lahat ay magbubuksan na ang pinto patungo sa kapayapaan. Nakaupo si Nia sa tipak ng bato mula sa gumuhong minahan nang puntahan siya ni Leria. Magara ang damit na suot ang ale maging ng iba pang naninirahan sa Menia dahil sa pagdiriwang na kanilang idaraos sa gabing iyon. "Prinsesa, narito lang pala kayo. Naghihintay na ang lahat." Bumaling ng tingin si Nia sa ale na napangiti dahil sa ayos nito. "Napakagand

