Naririnig man ni Nia si Prinsesa Ifri sa mga pagkakataong makikipag usap sa kanya ang prinsesa ngunit hindi siya tiyak kung tama ba ang hinala ni Tandang Bashra. Upang makasigurado ay inutusan ni Tandang Bashra ang mga kasamahan na ihanda ang malawak na espasyo upang gawin ang seremonyas na magpapakita ng nilalaman ng puso at kaluluwa ni Nia. Bilang paghahanda ay pinaliguan si Nia sa bukal gamit ang banal na kopita na kayamanan ng mga taga Orerah. Binihisan si Nia ng magarbong kasuotan na tangging mga Laurenas lamang ang nakakasuot. Pinganguhanan ni Binibing Fuyo ang paghahanda kay Nia. Nananataling tahimik si Fuyo habang ginagawa ang paghahanda kay Nia. Sa isip niya ay kinakanta niya ang panalangin na lilinis hindi lamang sa katawang tao ni Nia maging sa kanyang puso, isip, at kaluluwa.

