Chapter 141

1778 Words

Pagdating ni Konad sa pasilyong magdadala sa kanya sa silid ni Nia ay nakita niyang nakatayo si Rava sa harap ng pintuan. Batid niya ang pag aalala nito na sa kanyang pagbukas makakakita siya ng hindi maganda sa kalagayan ni Nia. Minabuti na ni Konad na siya na ang magbukas ng pinto. Wala man si Nia sa loob ng silid ay mas mabuti na iyon para kay Rava kaysa sa makita niya ang naiisip na duguang katawan ng dalaga. "Wala rin si Vexx dito," ani Konad matapos sumilip sa beranda. "Walang bakas ng pagsakay rito. Malamang ay lumabas silang dalawa." Inis ang naramdaman ni Rava sapagkat mahigpit ang mabilin niya kay Vexx na ingatan ito. "Wala tayong dapat ipag alala kung kasama ni Nia si Vexx. Hindi siya nito pababayaan." Malaki pa rin ang tiwala ni Konad sa kabila ng malinaw na pagsasabi ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD