Nanatiling matikas na nakatayo si Nia tuon ang mga mata sa halimaw sa kanyang harapan. Nanginginig man ang kanyang mga kamay ay kumasa si Nia ng palaso na kanyang ipinatama kay Moro. Ngunit nang dahil bato ang katawan ng halimaw ay nagmistulang pitik lamang iyon sa kalaban. Muling kumasa ng palaso si Nia kasabay sa pagsugod ng kanyang kalaban. Gamit ang mga malalaking kamay nito ay hinampas ni Moro ang naka kamaong mga kamay sa kinatatayuan ni Nia. Lumundag si Nia bago pa man siya maabutang ng kamay ni Moro ngunit nang dahil sa laki ng mga iyon ay malakas ang hanging humampas kay Nia dahilan upang tumama ang kanyang katawan sa batong dingding. Maging si Konad ay naka iwas sa pag atakeng iyon ng kalaban. Nakalundag si Konad ngunit malayo sa kinaroroonan ni Nia. Nang makita niya na muling h

