Skye Alvarez's POV: I'm now here at King Palace club. Halos kalahating oras na ako nandito, hinahanap si Professor Zyro pero hindi ko s'ya makita. Wala pa kaya s'ya? Napabuntong hininga na lang ako at umorder ng cocktail. Pangatlong baso ko na ito. Kailangan ko maging tipsy para magawa ang plano ko dahil alam kong hindi ako magtatagumpay habang matino ang pag-iisip ko. Habang umiinon ay nakamasid lang ako sa entrance ng club. Lahat ng pumapasok at lumalabas ay binabantayan ko. Pakiramdam ko ay guard o bouncer na nga ako eh. Napabuntong hininga na lang ako at ininom ang cocktail na order. Matapos ko itong maubos ay tinignan ko ang suot kong damit. Napabili pa ako ng itim na sleeveless dress at nag-itim na sapatos lang ako. Nilugay ko lang rin ang buhok kong wavy at nagpalagay ng lig

