Skye Alvarez's POV: Nandito na ako ngayon sa stage at nakatingin sa painting canvas sa aking harap. Hawak-hawak ko na rin ang brush at handa na gumawa pero naba-block out ako. Walang pumapasok na idea sa isipan ko ngayon. Tinaas ko ang tingin ko at pasimpleng tinignan si Professor Zyro. Nakita kong seryoso s'yang nakatingin sa akin kaya naman mabilis akong napaiwas ng tingin agad. Kanina ay wala s'yang class sa amin kaya naman ito ang pagkikita namin muli matapos ang nangyari kagabi. Alam kong pagsisisihan ko ang ginawa ko kagabi pero tinuloy ko iyon dahil gusto kong manalo. I feel dirty but it's too late now. Hinayaan kong may mangyari sa amin at ako ang nagsimula non. I let myself give in to someone I barely know. I know I look like a completely desperate person in his eyes now but

