Chapter 8.

1271 Words
ANASTASIA POV. "tata" "tata" napamulat ako ng mata. Nang marinig ko ang maliit na boses galing sa gilid ko. Habang nilalaro nito ang mga pilikmata ko. Nabungaran ko naman si Gelyn na anak ni kuya Fredo na tatlong taon na. Nakatulog kasi ako sa duyan dahil sa antok. Napahagikgik naman ito ng pagmulat ko ng aking mata ay pinaghahalikan ko ito. "hehehe tata, tana na po" bulol na sabi nito. "ano!!" habang patuloy pa rin itong kinikiliti. "tata hehehe tana tata" hindi kona maintindihang sabi nito. "boss, ahmm may naghahanap sa inyo" nag alalang turan ni Rolan na alanganin pang magsalita. Napakunot naman ang aking kilay dahil sa pagtataka. Sino naman ang mag hahanap sa akin eh wala naman masyadong nakakakilala sa akin dito. "sino?" takang tanong ko dito. "si General Lopez po boss." napaisip naman siya kung ano ang kailangan ng mga ito sa kanya. At kung paano nakilala siya ng mga ito. "sina mama" tanong ko agad dito. "nasa sala silang lahat boss, dahil nagtataka bakit maraming sundalo ang pinaghahanap ka." hindi naman ako mapakali dahil alam kong puking na ako sa puntong ito. Sigurado akong this time ay need ko nang magpaliwanag sa kanila. Kung noon nakakaya pa nilang manahimik. Pero ngayon alam kong hindi na nila ako titigilan kakatanong. "sige ako na ang bahala, pakidala na lang kay Gelyn sa loob." aniya ko. "sige boss" sabay kuha nito ang bata sa akin at tumalikod na. Agad naman akong tumayo at tinungo ang kinaroroonan nila heneral. Kahit may pagtataka man ay binaliwala ko na lang. Nakita ko naman ang limang sasakyan na nakaparada sa gilid ng bahay. Nakita ko rin ang aking mga pamilya na nasa sala nakatingin sa akin na mababakasan mo ng pag alala. Lumapit na ako sa mga ito at binuksan naman ng isang tauhan ang pinto ng sasakyan at lumabas ang isang lalaking sa tyantiya ko nasa med 30's. "what do you need general" walang paligoy ligoy kong tanong dito. Nagulat naman ito sa inasal ko. At parang natameme ng makitang tiningnan ko itong walang emosyon. "ahhmpf, Colonel can we talk private." alanganin nitong saad. "follow me." tumalikod na agad ako dito. Pero alam ko ring sumusunod ito. Pumunta ako sa kubo na lagi kong tinatambayan at naupo. Umupo rin ito sa harap ko. "siguro naman bago ka pumunta dito General. May alam kana tungkol sa akin. Kaya hindi na kita maaalok ng kape o juice dahil hindi ko ugali yun." deretsahan kong sabi. Napatango naman ito na napalunok dahil sa tinuran ko. Napailing naman ako. Bakit kaya ang mga taong ito. Naging heneral kong ang isang tulad ko ay takot na itong makaharap ako. "hindi na ako magpapaligoy ligoy pa Colonel, we need your help about kidnap cases." Napakunot naman ang dalawang kilay ko sa sinabi nito. Iaabot sana nito ang isang folder sa akin pero hindi ko man lang binigyan ng pansin abutin, siguro napahiya ito kaya nilapag na lang sa lamesa na nasa aming gitna. Napatawa ako sa sinabi nito. Baliw ba to makapag alok ng kaso akala mo sobrang dali lang. "how you sure general na papayag ako." walang emosyon kong saad dito. "para sa katahimikan ng bansa colonel, alam kung galit ka sa mga taong masasama ang budhi. Hindi lang din naman ito para sa isang taong maililigtas mo. Kundi para sa buong bansa na naghihirap dahil sa mga taong walang ibang ginawa kundi sirain ang lipunan." kampante nitong turan. "maghanap na lang kayo ng iba. Na qualified sa kasong iyan." tumayo na ako para iwan sana ito. Dahil hindi ako interesado sa mga ganyang bagay. Umuwi ako dito para magbakasyon at makasama ang pamilya ko. Hindi yung tatanggap na naman ng ibang misyon. "ikaw lang ang nakikita naming qualified dahil sanay ka sa kagubatan." natigil naman ako at hindi makapaniwalang tingnan ito. "alam mo ang patakaran general. Lahat ng sundalo hindi basta basta tumatanggap ng kaso kapag hindi naka lineup sa inyong bansa. Pwera na lang kung nakipag coordinate kayo sa Russia at nag desisyon silang tanggapin ang kasong yan." mahaba kong saad dito. "alam ko colonel, bago ako pumunta dito ay nakipag coordinate na kami doon. Ang sabi nang naka usap ko, ay naka vacation ka ngayon. Kaya hindi ka nila pwedeng bigyan ng kaso hangga't hindi tapos ang vacation mo. Pero once, na tatanggapin mo naman ang kasong ito. Even nasa vacation ka pananagutan ka daw ng Russia, and of course sa pinas na rin." paliwanag nito sa akin. "umalis na kayo general. At wala akong balak tanggapin ang kasong yan." hahakbang na sana ulit ako ng magsalita ito. "i hope, na ikunsider mo ang kasong ito ms. Alekseev, dahil hindi ka naman iba. Kalahi mo rin sila. Makakaya mo bang ang mga kalahi mo ay sinisira kahit mga bata pa ay napipilitang makipag laban sa ating mga sundalo. Dahil lang sa maling paniniwala? Alam kong malapit ka sa mga bata kaya please lang pag aralan mo sana ang kasong yan colonel." tumalikod na ito pagkatapos nitong magsalita. Napaupo naman ako ulit habang napabuntong hininga. Haisst, pinaka ayaw ko talaga yung pinag uusapan ang about sa mga bata dahil hindi ko talaga nakakaya. Umaalboroto agad, lalo na kapag may mga batang inaapi. Nakita ko naman ang folder na nilapag nito kanina. Kinuha ko ito at tumayo na para dalhin sana sa kwarto. Dahil wala akong balak pag aralan yan. Pero pagpasok ko pa lang sa loob ay nakita ko ang lahat ng pamilya kong nakatamang nag aantay sa akin. Napaangat naman ang mga ito sa akin at nagtatanong nakatingin. "anak pwede mo bang ipaliwanag sa amin, kung ano ang nangyayari at bakit may mga sundalo na napunta dito." hindi na makatiis na turan ng aking ama. Habang sila kuya at mga asawa nito ay kinakabahan dahil sa takot. Habang ang aking ina ay hindi narin mapakali. "ate may kasalanan kaba." napalingon naman ako kay rey na bakas dito sa mukha ang pag alala. Hindi lang naman siya kundi silang lahat except lang kay Ronald at Alex. "kaya ba tol, ngayon ka lang bumalik dahil ngayon ay wanted kana." hindi ko naman makapaniwalang tiningnan si kuya Anton dahil sa sinabi niya. Binatukan ito ni mama. "aray mama." nakabusangot nitong reklamo habang hinihimas himas ang ulong natamaan. "mga ate pasensya na kayo sa nangyari ngayon ha! Alam kong natakot kayo." paumanhin ko sa mga bayaw ko. Dahil nakikita ko talaga sa mga ito ang takot. Kahit tahimik lang. "sa kanila ka lang hihingi ng paumanhin. Eh pano naman kami tol ha!!, kinabahan din kaya ako. Alam mo bang kilalang kilala ang taong pumunta dito kanina. Heneral yun. Tapos pupunta dito ang nakapagtataka pa hinahanap ka pero ang pangalang gamit An-- Ansya, ano nga yun bro!!?" sabay lingun nito sa isa ko pang kapatid. "Anastasia Alekseev." "ay oo, yun nga. Hindi ko naman akalain na ikaw pala yun buti na lang dumating si Alex. At sinabing ikaw ang hinahanap." "ate paano ka nakilala ni Alex." may hinalang turan ni shane sa akin. Sabay tingin kay Alex. Habang ang isa naman ay hindi mapakali dahil kay shane. Matagal ko na rin namang pansin na may pagtingin ang mga ito sa isa't isa. Hindi naman ako hahadlang basta hindi lang sasaktan ang kapatid ko. Malalaki na sila. Isa pa may tiwala naman ako kay Alex. "anak may hindi kaba sinasabi sa amin." nabalik naman ako sa aking pag iisip ng magsalita ulit ang aking ina. Napabuntong hininga ako. Ito na siguro ang oras para sabihin ko sa kanila ang lahat lahat. "ma, pa, mga kuya. Sana mapatawad niyo ko sa pag sisinungaling ko. Isa po akong sundalo na nakabase sa Russia."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD