"Knock knock...".katok ko habang hawak hawak ko ang kape ni sir masungit..este ni sir Caleb
"Come in".tipid na wika nito kaya pinihit ko na ang doorknob at tumambad saakin ang matipuno at pumuputok na muscles ni Sir Caleb charing...ang totoong tumambad saakin ay ang pagiging busy nito sa laptop Kaya tumungo na lamang ako sa glass table ni sir na pinag papatungan niya ng laptop at ipinatong ko na lamang dun ang kape ngunit parang hindi naman ako napansin nito "kaya baba na ako mukhang wala naman na siyang ipag-uutos saakin".wika ko sa aking sarili kaya nag-umpisa na akong maglakad, nang malapit na ako sa pinto ay siyang pagsalita nito na ikinahinto ko.
"Pinapalabas na ba Kita?".seryuso nitong wika habang nakatuon pa rin sa laptop
"Po?".tugon ko at lumingon dito na busy pa Rin SA laptop
"Just stay for a while".wika nito at hindi manlang ako binalingan Ng tingin Kaya naupo na lamang ako sa single sofa na malapit SA pinto
"Sinabi ko bang umupo Ka?".seryusong wika nito at binalingan na ako ng tingin na kinagulat ko kaya bigla na lamang akong tumayo
"Sorry po".paumanhin ko sabay yuko, hindi ko kung anong expression ang Meron siya ngayon basta ang alam ko Lang ay nakakakilabot ito KUMBAGA sa multo Siya ay buhay.Naramdaman kong tumayo ito at mukhang papuntang comfort room
"Leave".maikling wika nito at pumasok na sa loob ng cr Kaya huminga na ako ng maluwag at lumabas na baka kung ano pang pwgsusungit ANG sabihin nun sakin.
"Ses anyare sayo?"takhang tanong ni bella, isa SA mga kaibigan ko dito na maid rin
"Wala ah..wala Naman nangyare sakin ah".wika ko
"Di NGA ses?okay Ka Lang ba talaga?"tugon nito
"Oo naman".wika ko at ngumiti SA kanya Ng peke, ayoko na ikwento pa SA kanya Yong inasal ni sir Caleb nadedelubyo Lang talaga ako
"Sure Ka ah, NGA Pala pinapatawag Ka nang mayordoma natin na si Manang Lydia pumunta kana dun
"Osige Bella Una na ako".wika ko ng napahinto ako
"Bakit Ses?".takhang tanong ni Bella
"Papapuntahin mo ako kay manang lydia eh hindi mo sinasabi Kung Saan, ang laki laki Ng bahay na toh".bulyaw ko kay Bella
"Ay oonga nuh, nandun Siya sa may garden".tugon nito sabay kamot ng ulo at nginitian ko na lang ito bilang tugon
"Manang Lydia?".wika ko nakatalikod Kasi Ito sa akin at mukhang busy sa pagpitas ng mga tulips
"Oh bakit Yun?".tanong ni manang lydia habang busy parin sa pagpipitas
"Si Isla po Ito".mahinahon kong tugon
"Ay Isla ikaw pala Yan".at bumaling na ng tingin sakin ni manang Lydia at nginitian ako
"Hinahanap niyo raw po ako?".wika ko
"Oo hija dahil pinapasabi pala ni ma'am Vivian na mawawala siya ng isang buwan dahil pupunta siya sa state".mahabang paliwanag nito
"Bakit naman po?".takhang tanong ko rito
"Nandun Kasi ang asawa't anak ni maam vivian siguro ay dadalawin niya Lang ito, pero parang kasama atang uuwi ang anak at asawa nito na si Carter at Sir Autin, naku naku sobrang mabait MGA Yun". mahabang wika nito
"Ah ganon po ba may anak at asawa pa Pala si Tita Vivian , I thought mag-isa na lang siya sa buhay dahil wala akong nakikita na kasama niya dito bukod kay sir Caleb".mahabang tugon ko
"Bago Ka pa Lang Kasi dito hija, dati kasi naka pagbakasyon dito ang mag-amang Yun kaso bata pa nun si Carter kaya magiging masaya ako kung malalaman Kung magbabakasyon Sila rito".mahabang wika nito
"Ganun po ba, sige po salamat manang Lydia".wika ko rito at tumungo
"Oh sya tatapusin ko na ito, Isla Pakisabi naman na ayusin na ang lamesa dahil malapit na mag lunch time".wika nito
"Sige po manang, mauna na ako".wika ko at nagtungo SA kitchen, kasama ko ngayon si Bella at Eva na nag assikaso ng lunch para mamaya dahil malapit na rin ang lunch time
"Manang Lydia ...".tawag ni Sir Caleb, mukhang may kailangan Ito kaya hinahanap si Manang Lydia ng biglang tumingin Ito sa akin, tingin na malagkit na tila ba nakakataas balahibo
"Wuy ses tawag Ka ni sir".wika ni Eva habang sinisiko ako SA tagiliran
"Ah ba...bakit po?".utal kong tanong Kay sir Caleb
"You saw my piece of paper?"tanong nito saakin
"Po ano yon?".takhang tanong ko
"Just answer my fuc**Ng question!".singhal nito at mukhang sasakmalin ako ng wala SA ora's
"Wa...wala po sir".utal kong tugon at umalis na Ito palabas
"Wuy ses okay ka Lang ba?". tanong ni Eva habang tinatapik ang likuran ko
"Oonga ses...napaka sungit naman nun".wika ni Bella
"Oo okay lang ako".tugon ko at ngumiti ng mapakla, hindi ko alam bakit ganun sa akin si sir Caleb wala naman akong ginagawang masama sa kanya
"Pansin mo ses Eva laging g na g si sir kay Isla?". tanong ni Bella
"Yup pansin ko rin Yan pati yong the way he looks to Isla it's little bit something...".makahulugang tugon ni Eva
"Oo nga nuh korek Ka ses pero kabog ang English mo".pangangasar nitong wika at hinampas si Eva SA braso
"Aw ses ah, may galit".bulyaw nito habang tumatawa
"Alam niyo kayong dalawa kung ano-anu pinag-iisip niyo dyan".wika ko at aastang maglalakad nang pigilan nila akong dalawa
"Wait ses".wika ni Bella at pinigilan ako ganun din si Eva"May naisip ako".wika ni Eva"Ano Naman Yun?".wika ni Bella"Ito plano gagawa ako ng ikakagalit ni sir Caleb then kapag hindi Siya sa akin nagalit, ISA lang ang Ibigsabihin nun?". paliwanag ni Eva at sabay silang tumingin sa akin Ng makahulugan"Ano G Kaba Isla?"tanong ni Eva"Basta ako G".tugon ni Bella"HINDI".direktang tugon ko
"Basta SA ayaw at gusto mo gagawin namin ang plano".ngisi ni Eva"Tama".tugon ni Bella
"Tskkk bahala kayo dyan, Baka masesante pa kayo wala sa ora's".wika ko at iniwanan na silang dalawa