CHAPTER 2

644 Words
Chap 2 Isla POV Nandito ako ngayon sa palengke at nagbabantay dahil nagpapahinga si itay sa bahay.Iniisip ko rin yong pasumpong sumpong na sakit ni Itay sa kaniyang likod kaya pinakiusapan ko na lamang siya na ako na muna ang magbabantay dito sa palengke. "Hija pabili nga ako ng isang tumpok ng kalamansi at sibuyas".wika ng ale at natauhan ako sa pag-iisip "Ay sorry po".wika ko at kumuha na nang tumpok ng kalamansi at sibuyas"Hero oh".wika ko sabay abot sa ale "Maraming salamat hija".tugon nito at lumakad na palayo.Nang mapansin kong may pitaka rito sa tumpok ng mga gulayan at kinuha ko ito.Teka kay Ale ito ah... "Ale sigaw ko".habang patungo sa kaniya dahil hindi pa naman sya nakakalayo. "Salamt hija kanina ko pa ito hinahanap eh"tugon nito at ngumiti saakin ng matamis "Walang anuman po"tugon ko habang papaalis na ako ng tinawag ako ng ale "Hija ano nga pala ang pangalan mo?".seryusong tanong ng ale "Isla po...Isla Aurora".ngiti kong tugon "Ako nga pala si Manang Vivian".ngiti nitong wika "Ah kagalakan ko pong kakilala kayo".ngitong tugon ko"Mauna na po ako,wala po kasing tao sa pwesto ko".ngisi kong sagot "Ah sige hija maraming salamat ulit,Sana magkita tayo ulit"ngiti nitong wika "Sige po Una nako".ngiti kong tugon Nakauwi na ako sa bahay ng madatnan kong wala si itay."Tay nandito na po ako".wika ko ngunit wala akong nakuhang tugon"Tay nandito na po ako masyadong matumal ngayon,magkano lang ang kinita ko".wika ko ulit ngunit wala pa rin akong tugon na natanggap"Tay".habang hinahanap ko sa loob ng bahay ngunit wala akong itay na nahanap. "Knock knock knock".malakas na katok sa pinto namin "Wait lang po".at binuksan ko ang pintuan ng makita ko si aleng ruby na pawisan "Isla si Genesis natagpuan namin sa daan na bugbog sarado"garalgal na wika nito "Si itay...ano pong nangyare".garalgal kong tugon "Hindi ko rin Alam Isla,halika samahan mo ako,nasa hospital ngayon ang itay mo".wika nito habang papaalis at sinundan ko ito Habang nakasakay Kami sa tricycle ni aleng ruby ay doble doble ang kabang nararamdaman ko kung anong situation ngayon ni itay at higit pa dun sino ang bumugbog kay itay wala naman kaaway si itay para mangyare sa kaniya yon. "Itay..."garalgal kong wika habang umiiyak "Ikaw ba ang pamilya ng pasyente?"wika ng doctor "Opo doc anak niya po ako,ano pong nangyare?."tugon ko habang lumalandas ang luha sa aking mga pisnge "Sorry to hear this hija pero malala ang natamo ng pasyente dahil sa matinding suntok at saksak na natamo nito sa katawan at higit pa dun may problema ang pasyente sa kaniyang spinal cord injury".mahabang paliwanag ng doctor" "Ano po ang dapat gawin doc?".wika ko rito "Kapag gumaling na ang pasyente sa mga natamong sugat niya ay kinakailangan niyang makapag spinal cord therapy".mahabang paliwanag nito "Magkano po ang kakailanganin?". seryusong tugon ko rito "Malaki-laking halaga ang kinakailangan na pera hija".wika nito "Ganon po ba,salamat po doc".malungkot kong wika at nagpaalam na ang doctor.Lumapit naman si aleng ruby saakin para aluhin ang aking likod "Magiging okay rin ang lahat Isla".wika nito habang inaalo ang likod ko "Salamat po aleng ruby ah"tugon ko rito "Hayaan mo may konteng pera naman akong naipon ipandagdag mo na lang".wika nito at ngumiti saakin "Huwag na po aleng ruby sobra na po ang naitulong niyo kay itay".tugon ko "Alam mo naman Isla ang nararamdaman ko sa iyong itay kaya hindi mo ako mapipigilan na tumulong sainyo lalo na ngayon".mahabang paliwanag nito at ngumiti.Si Aleng Ruby ay matagal ng may lihim na pag-ibig sa aking itay ngunit lagi itong binabalewala ni itay dahil sa umaasa pa siyang uuwi rin ang aking inay.Noong bata pa lamang ako ay iniwanan na kami ni inay,nagpaalam lang itong may bibilhin lamang sa may pamilihan ngunit hindi na ito umuwi hanggang ngayon ay wala pa rin kaming balita kay inay at never na naghanap ng pag-ibig si itay kahit matagal ng panahon na wala Ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD