AGATHA couldn’t believe what she heard. Napatitig lang siya sa lalaki dahil hindi niya inaasahan na ganoon ang magiging sagot nito sa kanya. She was expecting new from him but it seems like he hasn’t changed his ways yet. Matapos ang ilang segundo ay napailing na lang siya bago marahang tumango. “I see. I’ll take my leave then,” sabi niya rito bago siya dali-daling umalis sa opisina nito. “He’s unbelievable,” bulong niya at halos malukot ang envelope na hawak dahil sa panggigigil. Kuyom-kuyom niya ang mga kamay habang umaalis sa opisina nito. Nagpupuyos siya ng galit dahil alam niyang sinasadiya ng lalaki na huwag basahin ang mga ipinasa niyang dokumento at nang mauwi na naman sa kasunduan ang lahat. Agad niyang kinuha ang cellphone para sana tawagan ang ina na uurong na lang siya, pero

