NAKATITIG lang si Agatha sa papel na hawak niya. Ilang beses pa siyang kumurap para lang kumbinsihin ang sarili niya na hindi siya nananaginip; humihiling na sana ay hindi totoo ang nakikita niya dahil hindi niya talaga alam kung ano ang sasabihn, kung ano ang iisipin at gagawin. Nanginginig niyang inilapit ang papel sa kanyang mukha para mas malinaw na makita kung anong nakasulat dito. “Agatha Marie Mendez Consunji...” basa niya sa nakasuat sa unang pahina. Katabi nito ang picture niya. At sa baba ng larawan ay ang ilan pang personal na detalye tungkol sa pagkatao niya. Nang tingnan naman niya ang nasa likod ay nakita niya ang personal information ng mga magulang niya at pati na rin ng kapatid niya kasama na ang mga litrato ng mga ito. Ilang segundo niya itong tinitigan. Hindi niya ala

