NANG makarating sa venue ng lugar ay agad na sumalubong kay Agatha ang hilera ng mga magagarang sasakyan na naka-park sa parking lot ng lugar. Heavily guarded din ang paligid at nagkalat ang mga pulis at sundalo. Maging ang pagpasok sa loob ay mahigpit kaya wala siyang nagawa kundi ang dumikit kay Alfonso kahit na inis pa siya rito dahil sa sinabi nito. "What's wrong with you?" rinig niyang malakas na tanong nito nang tuluyan silang makapasok. Dinig na dinig kasi sa buong lugar ang upbeat na musika na live na pinapatugtog ng isang DJ. Wala na siyang ibang nagawa kundi ang harapin ang lalaki at pakisamahan ito lalo na't naiwan si Riguel sa labas dahil tanging escorts at ang politician invited politicians lang ang allowed sa loob. Doon niya napag-alaman na isa pala itong birthday celebrat

