MARAHAS na bumukas ang mga mata ni Alfonso nang muli na namang maulit ang bangungot na ilang beses nang naganap sa kanya. Agad siyang bumangon at pinahid ang mga namuong pawis sa kanyang noo. Agad siyang napatingin sa tabi niya sa pag-aakalang may katabi siya ngunit ang tanging nakita niya ay ang espasyong minsang pinunan ng balingkinitang katawan ng babae. “Fúck...” bulong niya bago hinayaan ang katawan niyang bumagsak sa kama. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at ipinatong ang isang braso sa kanyang noo. “What am I even thinking?” Isang malalim na buntong-hininga ang kumawala sa bibig niya bago niya muling iminulat ang mga mata dahil hindi na rin naman siya makakatulog. Bumangon na lang siya nang tuluyan at pumunta sa kanyang study room para ituloy ang mga trabahong hindi niya natapos

