Bagsak ang mga balikat ni Agatha habang naglalakad papunta sa opisina ng kapatid na si Sullivan Consunji. Paano ba naman kasi ay panibagong kapalpakan na naman ang nagawa niya sa trabaho. Puro na lang yata kapalpakan ang nagawa niya mula nang magtrabaho siya sa kompanya ng sariling pamilya. Liban sa hindi niya alam ang kalakaran sa opisina, ay wala talaga siyang interes na magtrabaho. Hindi ito ang gusto niyang buhay. Sa isip-isip niya ay hindi ito ang buhay na deserve niya. Pero wala siyang ibang pagpipilian kundi ang gawin ito lalo na't ito ang kagustuhan ng mga magulang niya para sa kanya; ito ang kondisyon nila bago siya hayaang bumalik sa nakagawiang buhay at mabawi ang karapatan sa mamanahing kayamanan.
Kaya kahit puro kapalpakan at kahihiyan na lang ang nagagawa niya ay patuloy pa rin siya sa pagtatrabaho. Mabuti na lang at kapatid siya ng CEO ng kompanya, dahil kung hindi baka matagal na siyang tinalakan ng office head nila.
Pero sa pagkakataong ito ay hindi na talaga niya kaya. Hindi na niya kayang pumalpak pa dahil tinatamaan na siya ng hiya. Sigurado siyang pinag-uusapan na siya ng mga ka-opisina niya, at ayaw na niyang mas bumaba pa ang tingin nila sa kanya. May image siyang pinoprotektahan. Hindi pwedeng masira ang imahe niya sa mga mata ng ibang tao. Never.
Nang makarating sa opisina ng kapatid ay agad siyang kumatok at dali-daling pumasok. "Kuya..." tawag niya rito. Ngumuso siya at nagpaawa sa kapatid. Hindi ito ang unang beses na makikiusap siya sa kapatid na tulungan siya. Sa totoo lang ay ilang araw na niya itong kinukulit. At hinding-hindi siya mapapagod hanggang sa mapapayag niya ito.
Wala siyang pakialam kung magalit man sa kanya ang kuya niya. Hindi siya titigil hangga't hindi siya tinutulungan nito. Alam niyang sa kabila ng pagsusungit ng kapatid sa kanya ay may pakialam pa rin ito. Alam niyang mahal na mahal pa rin siya ng kapatid niya.
"What is it this time, Agatha?" tanong ni Sullivan sa kanya. Halos magtagpo ang kilay nito. Mukhang wala ito sa mood.
Pero wala siyang pakialam. Humugot siya ng malalim na hininga at sinimulan ang drama niya, "I can't work here," sambit niya bago umupo sa sahig at ngumuso sa kapatid. "I don't want to."
Tumalim ang tingin sa kanya ni Sullivan. Bahagya siyang natakot pero mas takot siyang hindi makabalik sa dating buhay—sa buhay na puro party, travel, at saya.
"I can see that, Agatha," sagot ng kapatid. "I can see how you hate working here," dagdag nito at mas tumalim pa ang tingin sa kanya. Tumayo ito mula sa kinauupuan at lumapit sa kanya, at walang pagdadalawang-isip na kinurot ang tainga niya. "I have been cleaning after your mess for the past days. Wala kang ibang ginawa kundi bigyan ako ng problema at additional workload!"
Napadaing siya. Mangiyak-ngiyak siyang nagmakaawa sa kapatid na bitawan ang tainga niya dahil baka matanggal ang diamond earrings niya, na agad din namang ginawa nito. Nakanguso siyang tumingin dito habang haplos-haplos ang tainga. Bumalik si Sullivan sa mesa at may kinuha. Pagkatapos ay may hinugot itong isang envelope saka inihagis sa kanya.
Agad 'yong kinuha ni Agatha. Tumitig siya rito nang ilang segundo bago tumingin sa kapatid, "What is this?"
"Your project," sagot nito na hindi niya agad naintindihan.
"Ha?" tanong niya.
Kita niya ang pagpipigil ng kapatid ng inis. Huminga ito nang malalim para siguro'y pakalmahin ang sarili. "Read the content, Agatha, and let me know if you're willing to do that one-time project."
Nagliwanag ang mukha niya sa narinig. "You mean, after I do this, I can have my inheritance back?"
"Not just your inheritance, but probably your old life," sagot ng kapatid niya. "But that project won't be as e—"
"I'll do it," mabilis niyang sagot. "I will definitely do it," dagdag niya. Kaylaki ng ngisi niya dahil sa wakas ay narinig na rin ang matagal niyang pinapanalangin. "When should I start?"
"You haven't even read the content yet," saad ng kapatid. "But whatever. Since you already said yes, make sure you do it right," dagdag nito. " Don't fail me this time, Agatha. Kahit kapatid kita, hindi ako magpapakita ng awa lalo na't trabaho ang usapan. And this project will also determine whether you get your life back or be trapped working in our company until you get not just my approval but also mom and dad's."
"You can count on me, brother. I may be stùpid in office works, but you can trust me in convincing people," aniya at kumindat pa. "I'll surely make everyone sign these documents," dagdag nito bago nagpaalam na aalis na. Patalon-talon pa siya sa tuwa habang lumalabas ng opisina dahil sigurado siyang hindi magtatagal ay mababawi na niya ang dating buhay.
Agad siyang umuwi ng bahay para ibalita sa mga magulang, lalong-lalo na sa kanyang ama, ang naging usapan nila ng kapatid. Nang makarating sa mansyon ay mabilis niyang hinanap ang ama
"Dad!" Umalingawngaw ang matinis na boses niya sa buong mansyon. "Where are you? Dad!" Hindi siya mapakali. Sabik na sabik siyang ipaalam sa ama niya ang magandang balita.
Ilang sandali pa ay lumabas na ang ama niya. Nakakunot ang noo nito at mukhang hindi nagustuhan ang pambubulabog niya.
Pero hindi na 'yon pinansin ni Agatha. Agad siyang lumapit sa ama nang may malaking ngisi. "Look what I have here," aniya at iwinagayway pa ang envelope sa harap ng mukha ng ama. "Come on, guess it."
"Hindi ako manghuhula. Tell me," inis sa sagot ng ama.
"This envelope is my hope to getting my life back!" bibo niyang sabi at sumayaw-sayaw pa. "Brother and I just had an agreement that I only have to get all the documents in this envelope signed, and after that, he will give his stamp of approval to me and you know what that means?" Hindi na niya napigilang mapatilli sa kasabikan. "That means I can have my life back! Oh, and also my inheritance! Hurray!"
Ilang segundong tumitig sa kanya ang kanyang ama. Pagkatapos ay nagbitaw ito ng tanong na naging dahilan para mapaisip siya, "Do you really think your brother will let you off that easy?"
"O-Of course," sagot niya pero sa isip-isip niya at tama nga naman ang ama. "I know kuya loves me."
"He does," pangsang-ayon ng ama niya. "But it doesn't mean he will go easy on you after we asked him to help us teach you a lesson."
"Dad!" Hindi niya napigilang mapanguso. "Pwede bang huwag n'yong sirain ang araw ko? Nag-o-overthink na tuloy ako."
"Well you should, at nang seryosohin mo ang trabahong ibinigay niya sa 'yo."
Napabuga na lang ng hangin si Agatha bago umupo sa sofa. "Well, gagawin ko naman talaga ang best ko para matapos 'tong task na ibinigay niya sa akin. I will make sure of it," determinado niyang sagot. "This is the fastest way to get my life back. Kaya kapag natapos ko 'to, make sure to really fulfill your promise."
"We will," sagot naman ng ama bago umupo sa tapat niya. "We will give you the rights to have your life back, just show us that you can do something for our company. This is for your own good, too."
Tumango lang si Agatha sa ama bago nagpaalam na aakyat na siya sa kwarto niya para ihanda ang mga kakailanganin niya. Pero ang totoo ay mag-iimpake na siya ng mga damit dahil balak na niyang puntahan ang lugar kung saan niya papapirmahan ang mga dokumento sa lalong madaling panahon. Sa isip-isip niya'y sobrang dali lamang ng gagawin niya. Sigurado siyang panakot lang ng ama ang sinabi nito kanina.
Habang naglalagay ng mga damit sa maleta ay may kumatok sa kwarto niya. Agad niya itong pinagbuksan at nakita ang kuya niya na mukhang kakauwi lang galing ng trabaho.
"Yes, kuya? You can't change your mind na. I am already preparing for it," sambit niya kahit na wala pa namang sinasabi ang kapatid. Gusto niya lang masigurado na hindi na nito babawiin ang desisyon dahil desidido na siyang gawin 'yon at nang makabalik na siya sa dating buhay.
"I won't," tipid na sagot ng kapatid. "I came here to tell you one important thing you shouldn't do," dagdag nito bago siya tiningnan sa mata. "If you want to get the documents signed, never reveal your true name. Never let anyone, especially the governor, know that you're a Consunji," sambit nito bago umalis nang hindi man lang hinihintay ang sagot ng babae.
Napakunot na lang ang noo no Agatha habang nakatitig sa kung saan nakatayo ang kuya at hindi mapigilang magtaka kung bakit gano'n ang sinabi nito.
Sa isip niya, "What's with being a Consunji? Does it really matter? And why shouldn't I reveal it especially to the governor?"