NAKATITIG lang si Agatha sa screen ng cellphone niya at paulit-ulit na binasa ang text ng mayor sa kanya, ‘Are you free this weekend? I actually found a good dating place in Sinag, and I think it would be the best place to start our date.’ “Ang sweet niya,” bulong na lang niya bago siya gumulong sa kama. Isang oras na makalipas nang matanggap niya ang reply mula sa mayor pero hindi pa siya nagre-reply rito dahil ayaw niya lang. Gusto niyang maisip din ng mayor na busy siya at may iba siyang ginagawa. Siyempre kapag nag-reply siya agad, iisipin nito na tutok lang siya sa cellphone niya. Tiningnan niya ang oras at malapit na palang mag-alas sais nang gabi kaya bumangon na siya at nagtungo sa kusina para magluto ng dinner niya. Naging routine na niya ito simula nang manirahan siya sa mansy

