01

857 Words
Sheena's Point Of View: "Agent Butterfly nakita ko na ang target nasa Saint Charity siya. May gathering na nagaganap dun ngayon kaya magsemi formal ka." "Acknowlegde." sagot ko at pinaharurot ang motor ko. Humanda ka sakin ngayon Mr. Primetivo. Sisiguraduhin kong sa pagkakataon na 'to mahuhuli na kita. Primetivo Raizen's Point Of View: "Prime nandiyan na." Napatingin ako kay Ephimer ng maglakad ito palayo. "Sige iho magpapaalam na muna ako at aasikasuhin ko pa ang mga bata." "Sige po sister." sagot ko at nagpatuloy lang ako sa paglalalakad sa hallway. "Taya!tayaaa!" Napangiti ako ng may mga batang nagtatakbuhan palapit sakin, naramdaman ko ang presensya niya sa di kalayuan. "Kuya! kuyaaaa! Gusto niyo po ng cookies? ginawa po namin yan." sabi ng isa sa mga batang nagtatakbuhan na lumapit sakin. Lumuhod naman ako at kumuha ng cookies na dala niya. "Sarap naman." komento ko. "Sabi samin ni Sister kayo daw po nagpagawa ng charity na 'to kaya ginawa ko po ito para sa inyo para magthankyou." nakangiting sabi niya "Talaga? salamat ah papatikim ko 'to kina mom at sa susunod na pagpunta ko dito magdadala ako ng maraming toys." "Talaga po kuya?! Gusto ko po ng toys!" tuwang tuwa na sabi niya at niyakap ako. Napangiti na lang ako at niyakap siya mukhang kasing edad lang siya nina Ramzel. "Diyusko po! Ikaw na bata ka! kanina pa kita hinahanap." napatingin ako sa Sister na lumapit samin, yumuko naman siya at tiningnan ako. "Pasensya na po Mr. Vancouver kung nilapit----" "Hindi sister okay lang nakakatuwa nga po ang batang 'to." natatawang sambit ko at ginulo ang buhok ng bata. "Kuya punta ka ulit dito ah? gagawa ulit ako ng maraming cookies para sayo." nakangiting sambit niya. "Sige next week pupunta ulit ako dito okay? Sige na punta kana kay Sister." utos ko, humawak naman siya kay Sister at naglakad palayo kumaway muna siya sakin at ngumiti bago sila lumapit sa ibang bata. Sheena's Point Of View: "Agent butterfly anong nangyari bakit umalis ka dun?! pagkakataon na natin yun para makahuli ng Vancouver!" tanong ni Agent hawk. "Maraming bata Agent Hawk, kung huhulihin ko siya dun ano nalang ang gagawin ng mga bata?kitang kita mo naman diba?" tanong ko hindi siya umimik sa earpiece. "Tangina ngayon lang ako nahirapan sa isang mission." komento ko at sumandal sa may puno na hindi kalayuan sa gate ng Charity. "Ngayon ka lang din nagreklamo, kailangan mo ba ng back up? Ipapadala ko ang ibang agents diyan." tanong niya pero mission namin 'to siguradong may dahilan ang gobyerno bakit nila pinakukuha ang lalaking 'yon. "Sige ipadala mo." sagot ko at bumuntong hininga. Agent ka Sheena kahit super gwapo, mabait at nag-uumapaw sa hotness ang target mo wala kang choice! Napahilamos na lang ako sa mga kagagahang naiisip ko. Primetivo Raizel's Point Of View: Napangisi ako ng may mga motor na nakasunod sakin. Mas pinaharurot ko pa ang motor ko, pinakiramdaman ko ang mga presensya nila, sa aking tantya nasa labing dalawa ang sumusunod sakin mukhang desidido na talaga silang mahuli ako. Napatigil ako ng may sumalubong sakin mukhang nakorner nila ako ah? bale nasa 15 na sila. "Baba!" sigaw ng isang boses tiningnan ko ang mga lazer na nakatutok sa katawan ko bumaba naman ako at tinanggal ang helmet ko "Sumama kana lang samin kung ayaw mong masaktan." imbis sumagot ngumisi ako. "Ako ba tinutukoy niyo? masasaktan? try me." paghahamon ko. "Teka lang!" si Sheena. "Kailangan natin siya mahuli ng buhay! Yun ang utos ni Boss at mission ko 'to ako ang magdedesisyon!" ani niya at tiningnan ako ng seryoso maya maya. "F*ck!" nanlaki ang mata nila ng maraming itim na kotse ang pumalibot sakanila at bumaba ang mga tauhan ni Dad. "Damn you Prime!" mura ni Ice ng makababa ng motor pero hindi ko siya pinansin nagkatutukan na ng baril. "Kung ako sainyo ibaba ko na yang mga baril niyo kung ayaw niyong dumanak ang dugo dito" malamig na sambit ni ephimer na wala na ang maskara nanlilisik ang mga mata nitong nga nakatingin sa agents Sheena Point Of View: Halos manlamig ako ng makita ko ang apat sa mga vancouver nakakakilabot mga tingin pa lang nila para na kaming mga nakakita ng demonyi na nagaanyong tao nakakaloko talaga ang mga tyura nila "I-ibaba niyo na" utos ko "pero agent butterfly pagkakataon na natin toh para mahuli ang mga--" "Hindi mo ba nakikita agent Red ang dami nila at nandito ang magkakapatid na vancouver binalaan na,tayo ni boss about dito diba?" sagot ko hindi siya umimik binaba niya na lang yun nanlaki ang mata ko at napaatras ng lumapit yung prime as in sobrang lapit halos magdikit na din ang katawan namin agad siyang tinutukan bg mga baril ng agents ko nagulat ako ng may kinuha siyang handcuffs sa bulsa niya at ngumisi sakin "gusto ko makipaglaro sayo ms agent nakikita mo ba toh?" tanong niya at umayos ng tayo "oras na padikitan o mahawakan mo ako papayag akong ilagay mo toh sakin at sasama ako sayo" nanlaki ang mata ko "A-ano?" tanong niya ngumisi siya at kinuha ang kamay ko para akong tinamaan ng isang daang boltahe ng hawakan niya ang kamay ko at sobrang lakas ng t***k ng puso ko shet napatitig ako sa mukha niya ngumisi siya "Bye ms agents see you soon' paalam niya at naglakad na palayo tiningnan ko ag handcuff na hawak ko "Minamaliit talaga niya ako' nanggigil na sambit ko at hinawakan ng mahigpit ang handcuffs humanda ka sakin Primetivo vancouver
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD