Chapter 1.1

1074 Words
Arrrrrggghhh!!! Malakas na impit ni Wong Ming nang mapansing tila hindi siya makahinga bigla sa hindi malamang dahilan. Ang katawan niyang tila nag-aapoy sa hindi malamang pakiramdam na ito na tila ba parang may nakakapasong bagay sa kaibuturan ng katawang mortal niyang ito. Pansin niyang tila namumula ang balat niya na parsng konti-konti na lamang ay aakalain mong mag-aapoy ito. Nakakapangilabot ang pakiramdam ni Wong Ming lalo na at hindi niya aakalaing sa pagtalo niya sa mapaminsalang halimaw na naging demonyo na ng tuluyan ay ganito pa ang kalalabasan ng mga pangyayaring ito. Ngunit hindi maipagkakailang nakaramdam ng ibayong kagalakan si Wong Ming nang sinipsip ng mismong sword needle niya ang enerhiyang nagmumula sa katawan ng halimaw na demonyong iyon. Pakiramdam niya ay sobrang lakas niya. Yun bang pakiramdam niya ay kayang-kaya niya itong pahirapan at lamangan sa anumang aspeto. Ganon na ganon ang pakiramdam niya. He could feel those surging energies na hinihigop ng sword needle niya na nakatanim kani-kanina sa puso ng halimaw. Ngunit kaibahan ngayon dahil parang nalulunod siya sa kapangyarihan at enerhiyang nakuha niya sa nakalaban niyang isang demonic cultivator na naging isang demonyo lalo na kung paano nito mapagtagumpayang maisagawa ang demon form nito ngunit natalo niya ito. Pero ang naging kapalit naman nito ang nag-uumapaw na kapangyarihang gustong umalpas palabas ng katawan ni Wong Ming. Wala ng inaksayang oras pa si Wong Ming at mabilis na umupo ng naka-lotus position habang sabay na ipinikit ang mga mata nitong tila pagod rin sa naging laban at paglisan palayo sa lugar na pinangyarihan ng matinding labang napagtagumpayan niya. Pakiramdam niya ay hindi na ligtas ang lugar na iyon na para bang bigla na lamang naramdaman niya na may tila nagmamasid sa labang iyon ngunit hindi niya mahanap man lang. Totoo man o hindi ang pakiramdam niyang iyon ay gusto niya pa ring mag-ingat noh kahit na sobrang dikit ng labang naipanalo niya. Walang ano-ano pa ay bigla na lamang lumitaw sa harap ni Wong Ming ang mahabang kukay asul na Sword Needle na siyang dahilan ng pagkapanalo niya sa labanang nalahokan niya. Masakit isiping naging ganito man ang sinapit ng masamang nilalang na iyon ay masasabi ni Wong Ming na hindi dapat sapagkat isa lamang ang maaaring mabuhay pagdating sa aktuwal na labanan sa pagitan ng mortal na magkaaway na pamilya o tribong kinabibilangan. Biglang lumiwanag ang mahabang sword needle ng pagkatingkad-tingkad habang patuloy na nagko-concentrate si Wong Ming sa pagsugpo ng mga abnormal na kilos ng mga enerhiyang nasa loob ng katawan niya. Ayaw niyang ito pa ang dahilan ng kaniyang pagkasawi. Hindi siya makakapayag na hanggang dito na lamang ang kaniyang sariling kakayahan dahil hindi siya maaaring magpatalo lamang sa mga bagay na ito. Gusto niya pang mabuhay ng matagal, makita nag labas ng mundong ginagalawan nila at makipagtunggali sa mga malalakas na mga eksperto't mandirigma sa iba't-ibang mga pook o lugar na mapupuntahan niya. Makipagsapalaran sa mga delikadong lugar upang lumakas at magawa niyang protektahan ang mga nilalang na mahalaga sa kaniyang buhay. Pakiramdam niya ay may mga kulang sa buhay niya na hindi niya mapunan-punan. Kahit nga ang mga bagay na gustuhin niya mang mapasakanya ay hindi maaari lalo pa't hindi siya karapat-dapat dito at isa na rito ang maging isang magiting na pinunong papalit sa Wong Family. Isa lamang iyong malaking panaginip sapagkat kung gaano kahapyaw ang kaalaman niya sa mga council ng Wong Family ay ganon kadelikadong ungkatin at ibahin ang desisyon ng mga ito. Kaya ito sa bagay na gusto niyang panatilihin sa ama-amahan niya lalo pa't kailanman ay hindi niya gugustuhing mangyari na mawalan ito ng karapatan dahil lamang sa kaniya. Hindi siya ipokrito upang balewalain ang kasalukuyang suliraning kinakaharap ng ama niyang si Head Chief Bengwin. Mukha lang siyang walang pakialam pero ang totoo niyan ay meron. Kailangan ng ama niya ng bagong successor at alam niyang mula sa hinagap ay hindi siya yun. Naniniwala siyang ang solusyon ay naririto lamang sa loob ng ashfall forest. Hindi siya aalis sa Golden Crane City nang hindi niya nasisigurong may puwang at may parte ang ama niya sa loob ng Wong Family. Alam niyang hindi maliit ang sinakripisyo ng ama niyang si Head Chief Bengwin sa pagkupkop sa kaniya. Doon pa lang ay nagpapasalamat na siya ngunit siya na hanggang ngayon ay wala man lang napapatunayan rito? Hindi siya ganong nilalang, na benepisyo lang at lulugar lamang kapag nasa mabuti sng kalagayan ng lahat. Ayaw niyang biguin ito. Sa apat na taong pagkupkop nito sa kaniya ay ni kailanman ay hindi siya nito pinagmalupitan at tinuring na parang anak. Nagpatuloy sa pagcucultivate si Wong Ming habang nilalabanan nito ang patuloy na pakiramdam ng nakakapasong bagay na nanunuot sa buong katawan niya. Naniniwala siyang magagawa niyang makamit ang tagumpay at hindi mauuwi sa wala ang mga naisakripisyo niya sa pagpunta rito upang makaligtas sa mga delikadong sitwasyong naranasan niya rito. Patuloy sa malalim na pag-iisip si Wong Ming lalo na st tila gulong-g**o ang enerhiya maging ang kaniyang sariling isipan ay naapektuhan na rin. Hindi nito batid ang patuloy na pagtakbo ng oras habang nakaupo ito sa isang damuhang binagsakan nito kani-kanina lamang. Naniniwala si Wong Ming na magagawa niyang maibalanse ang magulong enerhiya niya sa katawan. He only needs time. Maya-maya pa ay biglang umilaw ang pangangatawan ni Wong Ming. Ramdam ni Wong Ming ang tila biglaang pagbabago ng temperatura ng katawan niya. Tila ba may kung anong klaseng pwersa na bagong-bago niya lamang naramdaman. Para bang may kung anong klaseng bagay na nagtutulak sa kaniya na mas lumalim pa ang pag-iisip niya. Hindi namamalayan ni Wong Ming na tila unti-unting binabalot ng tipak ng yelo ang katawan niya. Napakalamig... Hindi, bagkos ay sobrang lamig. Kitang-kita ang reaksyon ng katawan ni Wong na tila nakaramdam ito ng nagyeyelong pakiramdam. Makikitang nanginginig ang pangangatawan ni Wong Ming. Maya-maya pa ay tuluyan nang makikita ang pagbilis ng pagkakabuo ng mga tipak ng yelo sa katawan ni Wong Ming na tila buhay ito. Hanggang sa tuluyan ng nabalot ng kakaibang penomena ng tipak ng yelo sa buong katawan ni Wong Ming na parang nakulong ang katawan nito sa matigas na tipak ng yelo na para bagang hinihiwalay ito sa labas, sa reyalidad ng mundong ito. Kung sino man ang nakakakita nito ay maaawa siguro lalo pa't maging ang balat ni Wong Ming ay nagkakaroon na ng epekto lalo na patungkol sa namumuong frost bite nito. Kung tatagal ng tatagal ito ay siguradong manganganib ang buhay nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD