They were in the middle of the rough road pauwi ng bahay mula sa Coffee Farm nang bigla na lang tumirik ang kanilang sasakyan.
Kung tutuusin ay isang barangay na lang ang layo nila mula sa kanilang bahay. Muling pinihit ni Von ang susi at sinubukang paandarin ang makina subalit walang nangyari.
"Kunin mo, Mahal, ang flashlight, titingnan ko," utos ni Khel at pagkuwa'y bumaba ng kotse.
Sumalubong dito ang makapal na usok na nagmula sa makina ng sasakyan nang buksan nito ang hood ng kotse.
"Mahal, tatawagan ko na lang si Mang Imo. Malapit na naman ang bahay dito. Magpasundo na lang tayo," pigil niya sa asawa nang akmang aayusin nito ang makina.
"Madilim na, Von. Kung tatawag ka pa kay Mang Imo, anong oras pa makakarating 'yon. Saglit lang ito. Itutok mo lang ang ilaw," utos nito sa kanya.
There she goes again. The typical Khel na pinakasalan niya. Hindi pa nakaka-limang minuto ay bigla itong tumigil sa ginagawa.
"M-mahal, tawagan mo na si Mang Imo at Avy," mahinahon na wika nito ngunit agad niyang napansin ang pagsimangot ng magandang mukha nito.
"Bakit pati si Avy?" naguguluhang tanong niya habang hinahanap sa contacts ang number ni Mang Imo.
"B-basta tawagan mo muna si Mang Imo. Matatagalan pa itong makina kung aayusin ko," wika nito na tila estatwang nakatayo sa harap ng sasakyan.
"Mang Imo, nasaan ka ngayon? Pwede bang sunduin n'yo kami rito sa may tapat ng kamalig nina Mang Ruben? Nasiraan po kami, eh... sige po. Pakibilisan lang.... Salamat po," tiningnan niyang muli ang asawa na noon ay naupo na sa passenger's seat ng sasakyan.
"Buti at nasa bahay niya lang siya. Paparito na iyon maya-maya," wika niya sa asawa na noon ay may butil-butil na pawis sa mukha kahit pa may kalamigan ang ihip ng hangin. "M-mahal, anong nangyari sa iyo? May masakit ba?" nag-aalalang tanong niya.
Humugot ito nang malalim na hininga at pagkuwa'y nagsalita, "S-si Avy tawagan mo rin. Sabihin mo na dalhin ang green na bag na nasa kuwarto at dumiretso ng ospital."
"Ha? Ospital? Bakit -" may halo nang pag-aalala sa boses niya.
"Relax ka lang. Huwag kang magpapanic, okay," putol nito sa sasabihin niya.
"Mahal, t-teka, anong gagawin ko," hindi niya malaman ang gagawin.
"Mahal, si Avy, tawagan mo. Sabihin mo, manganganak na ako," utos nito sa kalmadong boses. Nasa ika-9 na buwan na ang ipinagbubuntis ni Khel at anumang oras ay maaari na itong manganak.
"W-what!!!" nagsimula na siyang mataranta. Huminga siya nang malalim and tried to calm himself down, "Okay, si Avy..." nanginginig ang mga kamay na idinial niya ang number ng kapatid. "Avy, 'yong ospital dalhin mo sa green na bag!" natatarantang sigaw niya sa kapatid.
"Kuya, ano? Hindi kita maintindihan. Bakit ka ba sumisigaw!" sagot ni Avy sa kabilang linya.
Hinablot ni Khel ang telepono sa asawa at kinausap ang hipag. "Avy, dalhin mo sa ospital ang green bag na nasa kuwarto. Nasa may side table...” pagkuwa'y napaigik kaya't sinundan iyon nang malalim na paghinga bago muking nagsalita, “Manganganak na ako," paliwanag niya.
"What! Oh my God teka -" nagsimula na ring magpanic ang dalaga.
"Avy, Avy, listen to me, relax lang. Mamaya pa ito kaya kalma lang. Sa ospital na tayo magkita," sa pagitan ng mga buntung-hininga ay wika ni Khel.
Buong pagmamahal na umalalay si Von sa asawa. Mayamaya’y muling humilab ang tiyan nito na naging dahilan para umaringking ito sa sakit at palibhasa'y nakahawak sa kanya, halos malamog ang kamay niya sa tindi ng pagpisil nito.
Muli niyang tinawagan si Mang Imo na noon ay malapit na sa kanila. Pagsakay nila ay mabilis nitong pinatakbo ang sasakyan papunta sa ospital.
Habang daan ay tinawagan na niya ang Ate Minerva niya at ang pamilya ni Khel. Kasalukuyan niyang kausap si Timothy nang halos bumaon ang mga kuko ni Khel sa braso niya!
"Awwww!!! Devon!!!" sigaw nito.
“Aray, Mahal!!! Konting tiis na lang malapit na tayo sa ospital,” napasigaw na rin siya sa sobrang sakit ng pagpisil nito sa kanya.
"Pards, okay ka lang ba? Baka mahimatay ka dyan, ha!" biro ni Timothy nang marinig ang sigaw nilang mag-asawa.
"Kahit bugbog-sarado na ako, okay lang. Pare, magiging tatay na ako!!!" masayang anas niya na maluhaluha. Hinawakan niya ng mahigpit ang asawa at hinalikan sa noo. "Konti na lang, Khel, mamimeet na natin si Junior!!!
***
Halos walong oras nag-labor si Khel bago tuluyang nanganak. To their surprise, it was a baby girl!
"Si Junior naging Juniora!" palatak ni Von habang karga ang bagong silang na anak.
"Napagod si Khel. Naku, hija pinahirapan mong maigi ang nanay mo!" nakangiting wika ng ama ni Khel habang hinihimas ang ulo ng tulog na apo.
"Paano naman nagkamali ng tingin ang doctor na lalaki ang apo namin, Von?" nagtatakang tanong ng biyenan niyang babae habang minamasahe ang paa ni Khel.
"Minsan daw po talaga nangyayari 'yon, Mommy," sagot niya.
"Let me hold her, Kuya," wika ni Avy sabay kuha sa pamangkin.
"Ang cute-cute! Kakagigil!" masayang anas ni Gero na hinawakan ng marahan ang maliit ng kamay ng pamangkin.
"What's her name?" tanong naman ni Rielle.
"Savanna," sagot niya. Ang pangalan na 'yon ang napagkasunduan nila dati kung sakali man na babae ang kanilang anak. Their minds were set that they will be having a baby boy and that he will be Devon Jr.
Umupo siya sa tabi ng asawa at pagkuwa'y marahang hinaplos ang mahabang buhok nito. She's been through a lot. Her pregnancy was not an easy road as well. She was on bedrest for the first 5 months of her pregnancy.
"Sleep tight, Mahal ko," aniya bago ito ginawaran ng halik sa noo.
***
Marahang katok ang narinig nina Khel at Von bago bumukas ang pinto. It was Trish!
"Khel! Congratulations!" mabilis itong pumunta sa kama niya at mahigpit siyang niyakap.
"Thanks, Trish. Akala ko, next week pa ang uwi n'yo?" nakangiting tanong niya habang gumaganti ng yakap sa kaibigan.
"When Brandon told me na nanganak ka na, we changed our plans, so now, we're here!" sagot nito.
"Nasaan si Brandon?" tanong niya bago tumingin sa likuran nito.
"Dito na kasi kami dumiretso so bitbit namin ang mga bagahe namin. Excited na ako kaya nauna na ako!" bumaling ito kay Von, "Hey, Von, nasaan ang inaanak ko?"
Hindi pa ito nakakasagot ay muling bumukas ang pinto at pumasok si Chase karga si Savanna habang bitbit naman ni Melrose ang bote ng gatas.
"Ay naku, Khel, maraming paiiyaking lalaki 'tong inaanak namin!" masayang wika ni Chase habang maingat na karga ang inaanak. Nagulat pa ang mga ito nang makita si Trish.
"Surprise!" nakangiting wika ni Trish.
"Diyosa!!!" sigaw ni Chase at huli na nang marealize nito na karga niya ang baby.
Malakas tuloy itong pumalahaw ng iyak. Agad itong kinuha ni Von at inihele.
"Pasaway!" mahinang tinampal ni Melrose si Chase bago yumakap kay Trish.
Nagkakatuwaan sila nang dumating si Brandon. Agad itong yumakap at humalik sa kapatid at sinipat ito. "Hmm, ang taba ng pisngi mo! Pero maganda ka pa rin sa paningin ko!" malambing na biro nito sa kanya. "Oh, manang-mana sa akin ang inaanak ko!" puri nito habang pinagmamasdan ang pamangkin na karga ni Von.
"Congrats, bayaw!" bati nito kay Von, "Anong feeling?" curious na tanong nito.
Kumislap ang mata ni Von. "Words can't define, Bayaw. Sobrang sarap sa pakiramdam," sagot nito bago buong pagmamahal na tumingin sa kanya.
"Naku po! Masusundan na yata si Savanna!" tudyo ni Chase.
Nabalot ng halakhakan ang buong silid niya.
***
Mahigit isang linggo ang inilagi nilang mag-ina sa ospital dahil in-obserbahan pa siya nang duguin siya pagkapanganak niya. Kinailangan din niya ng blood transfusion dahil maraming dugo ang nawala sa kanya.
Dumalaw ang mag-asawa ni Timothy at mag-asawa ni Tyrone na naging mas malapit sa kanila nang kumbinsihin ng Kuya Brandon niya na sa kanila kumuha ng coffee beans para sa Palacio del Café.
Ang pamilya niya naman ay namalagi muna sa bahay para samahan siya habang ang pamilya ng Ate Minerva ni Von ay isang linggo ring namalagi sa kanila bago bumalik ng Maynila.
Si Avy ang nagsilbing host ng bahay nila na noon lang muling nagkaroon ng maraming bisita.
***
"Guess what!" mula sa likod ay anas ni Von. Nasa may dalampasigan silang mag-asawa habang pinapanood ang paglalaro ni Savanna sa may laot.
"Natatandaan mo ba 'yong project dati ni Trish noong college kayo?" mula sa likuran ay niyakap niya ang asawa.
"Ah, 'yong mga kuha n'yo nina Chase?" alala nito.
Tumango siya.
"Brandon told me na isinama raw iyon ni Trish sa exhibit niya sa L.A., so what about it?" anito.
"Trish will bring it here tomorrow, dumating na raw from US. Hmmm, did you ever wonder kung kanino ako nakatingin when Trish took that photo?" nakangiting tanong niya. He clearly remember that moment at the hotel suite.
"Sa akin?" alanganing sagot nito sabay ngiti.
Tumango siya then kissed her head gently. "Gusto kitang yakapin that time. Hindi ko pa alam na magkapatid kayo ni Brandon," pagtatapat niya. "And now, habang tumatagal, parang ayoko na mawawala ka sa paningin ko!" patuloy niya.
Napatawa ng mahina si Khel.
"Asawa mo na ako at may Savanna na tayo, nambobola ka pa rin!"
Iniharap niya si Khel sa kanya and kissed her passionately, "I have my lifetime courting you! I love you so much!"
Khel kissed him back lovingly. The wasted 3 years of their lives has already been compensated by their overflowing love and now, they are on the road. Their road to FOREVER.
-WAKAS-
Maraming salamat po sa pagbabasa :)
Sana po ay nagustuhan n'yo ang kuwento nina Khel and Von :)
Heto pa po ang mga kuwento under Falling In Love Series na maaari n'yong masubaybayan:
* Falling for my Blue-Eyed Girl (ongoing - soon to finish)
* Falling for my Rebound Girl (ongoing- soon to update)
salamat po nang marami :)
-Cara-