Maaga pa lang, busy na ulit ang buong studio. Tables filled with fabrics, threads, sketches, and cups of coffee na halos di na nauubos. Si Thisa, naka-pony tail at may suot na simpleng white shirt, nakaluhod sa sahig habang inaayos ang cut ng tela sa mannequin. Kanina pa napapatingin sa kanya ang mga kasama niyang intern dahil palipat-lipat ang lapis niya, minsan sa likod ng tenga, sa pagitan ng labi at kapag sobrang focus na siya, sa ilalim ng ilong. Ganito siya ka-workaholic kapag inspired na inspired siya sa ginagawa. Matapos kasi no'ng fashion event ng kaibigan ni Dredon, umuwi na agad siya. She can't stay longer knowing na nandoon sina Rozen at Coreen. Kung nagtagal pa siya, mad-drain lang ang energy niya at baka 'di pa makapagfocus sa trabaho. Pero para mawaglit sa isip niya si Ro

