Di mapigilan ni Daniella ang maiyak ng mailisin na ang benda ng ulo n'ya at humingi s'ya ng salamin para makita ang kabuoan ng hitsura ng ulo n'ya. Alam naman n'ya na kalbo na s'ya pero ang hirap lang pa lang tanggapin kapag wala na ang nakatakip sa ulo n'ya. Kita naman ang mga buhok n'yang unti-unti ng tumutubo pero mas agad pansin ang mahabang tahi sa may bandang gilid ng ulo n'ya. "Wag ka ng umiyak tutubo pa naman yan." wika ng ama na naka ngiti pang hinaplos ang ulo n'ya na ikina-iyak pa lalo ni Dany na parang bata. "Hindi na ako maganda." hikbi pa ni Dany. "Bakit kelan ka ba gumanda." ngising banat naman ni Devin. "Mommy. Si Kuya o na titipus nanaman." napangiti naman si Dana. "Wag n'yo na kasing asarin na ririndi lang ako e." sita ni Dana. "Ikaw baka may side comment ka rin wag

