"Mag cool down ka muna Jayzel kung gusto mong makapag higanti hindi kita pipigilan pero kung idadamay mo ulit ang pamilya ng anak ko, ikaw ang una kong ipapalibing na iintindihan mo." mahinang usal Liam Van Amstel. "Ilabas n'yo ang mama ko sa asylum lalayo kami at mag papalamig gaya ng gusto n'yo." "Hindi puwede ang gusto mong mangyari, naubos na lahat ng taong ginamit mo para sa pag hihinganti mo. Nag padala masyado sa bugso ng damdamin mo kaya nag kandaletse-letse lahat ng plano mo na kay tagal mong pinalano." "Bakit n'yo kasi hinayaan na magkaroon ng connection ang pamilya n'yo sa mga Lagdameo." "Hindi ako nakiki-alam sa pamilya ng anak ko as long as alam kong hindi sila na dedehado. Hinayaan lang kita dahil sa isang bagay si Dennis lang ang gustong kong mawala sa mundong ito dahil

