MSO 3

1243 Words
Nagising si Shanine dahil sa sikat ng araw at huni ng mga ibon. Ngunit napatingin siya sa kanyang dibdib na may kung ano na nakadagan sa dibdib niya. Hinampas niya si Heath at sumigaw siya na may kalaban. "May kalaban...." Sigaw ni Shanine na ikanagulat ni Heath. "S-Saan?" Pumulot ito ng bato at palinga-linga. Humagalpak ng tawa si Shanine dahil sa reaksyon ng binata. "Uto-uto walang kalaban." "Kainis ka. Muntikan na ako atakihin sa puso." "Paano kasi ang manyak mo. Yumakap ka sa akin ng walang paalam." "Mataas ang lagnat mo kagabi kaya niyakap kita. W-Wala akong ginawa." Ngunit palihim na ngumiti si Heath dahil ninakawan niya ito ng halik kagabi. "Shut up. Walang ginawa daw? Sinungaling. For your information, may nobyo na ako. At soon ikakasal ako sa kanya. Kaya huwag kang mangarap, small balls. " Lumapit si Heath sa dalaga at bumulong. "Kung ang kasal na nga ay naghihiwalay, kayo pa kaya? Sa akin ka rin babagsak." Napalunok si Shanine ng laway dahil sa mapang-akit na bulong ng binata. Hinila niya din ang binata at kunwaring bubulong ngunit kinagat niya ang tainga ng binata. "Fuck.. Bullshit! Aray. Walang hiya kang babae ka. " "Kaya huwag mo subukan dahil magsisi ka." Pagkatapos tumalikod na ito at umalis. Napailing si Heath habang tinitingnan ang dalagang paalis. "S-Saan ka pupunta?" "Huwag kanang sumunod sa akin. At baka basagin ko ang balls mo na maliit." Ngunit sumunod parin ang binata. Naabutan niya ang dalaga na nangunguha ng tuyo na dahon ng saging. " A-Ano ang gagawin mo d'yan?" Kunot-noo noo na tanong ng binata sa dalaga. "What do you think? Alangan naman na maglalakad ako sa kalsada na nakahubad." Nanood lang si Heath sa ginawa ng dalaga. "Ohh, ito para sa'yo. Takpan mo ang balls mo na maliit." "Kanina ka pa." Napangisi nalang ang dalaga dahil alam niyang asar na ang binata. S'ya ang alakasdor ng barkada n'ya kaya hindi uubra sa kanya ang mga hirit ng binata Mula sa abandoned private property naglakad sila patungo sa labasan. Nagpahinga sila sa lumang kubo habang nagbabakasakali na may mapapad na sasakyan sa kinaroroonan nila. Ayaw kasi nila maglakad hanggang highway dahil sa suot nila. Tanging dahon lang ng saging ang nakatakip sa masilang bahagi ng katawan nila. "Gabi na at mukhang malabo na may dadaan dito. Mabuti pa maglakad na tayo hanggang highway. Ito nalang ang huling paraan natin para makauwi. "Maigi pa nga! Gutom na ako," reklamo ng binata. Pagdating nila sa highway madilim na kaya hindi na halata ang suot nila. Nakailang hingi na sila ng tulong sa mga dumadaan na sasakyan ngunit ni isa walang huminto. "Ano ang ginagawa mo?" Takang tanong ni Shanine. "Nililista ko ang mga plate # nila. Balak ko ipa-ambush oras makabalik tayo sa Maynila." "Gago ka talaga. Ayan may paparating na sasakyan, pahintuin mo." Agad pumagitna si Heath sa gitna ng kalsada. Mabuti nalang at huminto naman ang puting sasakyan. Bumukas ang bintana at agad bumungad sa kanila ang matandang lalaki habang sa kabila ay nakaupo ang matandang babae. "S-Sir, puwede po ba kami makahingi ng pabor?" "Ano ang gusto niyo?" "Nais po sana naming makisakay papunta ng Maynila. " Tinitigan sila ng matanda mula ulo hanggang paa. " S-Sige, mukha naman kayong matino." Agad sila sumakay at umupo sa likuran ng sasakyan. " Ineng, may party ba kayong pupuntahan? Tanong ng matandang babae habang sinusuri ang kanilang damit. "W-Wala kaming pupuntahan na party. May nakalaba—" Hindi natapos ni Shanine ang sasabihin dahil biglang inakbayan siya ni Heath. "Honeymoon, namin kasi ngayon. Nag-adventure lang po kaming mag-asawa. Gusto kasi namin maranasan maging bilang sina Jane at Tarzan," seryosong saad ng binata. Tumaas ang kilay ng dalaga sabay palihim na kinurot sa singit ang binata ngunit biglang siyang nanlamig nang napagtanto na iba ang nahawakan niya. "Malaki ba?" Nakangising tanong sa kanya ng binata. Bigla naman nakabawi agad si Shanine at nginisihan ang binata. "Actually, maliit siya at hindi pantay. Mukhang hindi kapa tuli," pabulong na saad ng dalaga habang nakataas ang gitnang daliri niya. "Don't dare me, my little pussybabe," malademonyong saad ni Heath kay Shanine sabay kindat. Siniko siya ng dalaga kaya napabaluktot siya habang hawak ang kanyang sikmura. "S-Saan kayo baba?" Tanong ng matandang lalaki. "Itabi niyo nalang kami sa gilid d'yan." Pagkababa nila agad pumara si Shanine ng taxi. "Manong, sa Laplapan st. lang ako." Ngunit nagulat siya nang biglang bumukas ang kabilang pinto. "Mukhang tatakasan mo ako. Paano naman ang kotse ko at cellphone ko?" "I told you already my address. Kaya wala kana dapat ikatakot." "Naninigurado lang ako my little pussybabe. Aba, mahirap na at baka takasan mo ako." "Paano isang kang manloloko, kaya takot ka maloko. By the way, ibawas ko ang pamasahi mo dito." "Hanep, ibang klase ka talaga." Hindi makapaniwalang saad ni Heath. "Ma'am, na dito na po tayo." "Manong, kukuha lang ako ng pera sa taas." "Ma'am, iwanan niyo nalang ang nobyo po para sigurado ako na babalik ka," saad pa ng drayber. "Don't worry, hindi ako tatakbo. Pero ang lalaking iyan wala akong pakialam." Mataray na sagot niya. "My little pussybabe, balikan mo ako dito." Nakangising saad ng binata. "Sir, hintayin mo nalang dito si Ma'am." "Tarantado 'to. Hindi kami scammer." Mabilis lang bumaba si Shanine at nagbigay ng bayad sa taxi drayber. Napangiti ang guard nila ng makita silang dalawa. Minsan umuuwi si Shanine na gutay-gutay ang damit. Sanay na siya sa dalaga at alam niya ang trabaho ng dalaga.. Pagdating sa loob ng unit ni Shanine agad siya nagpaalam sa binata na maliligo. "Maliligo lang ako tapos magluluto ako para makakain tayo." "Pussybabe, wala kabang balak pahiramin ako ng damit? Maliligo din sana ako." "Oo nga pala. Doon ka matulog sa kabilang silid. Ihatid ko nalang ang damit doon." Pagkaalis ni Shanine, biglang tumunog ang tiyan niya. Naalala niyang kahapon pa sila hindi kumakain. Binuksan niya ang refrigerator at kumuha ng mga lulutuin. Wala siyang ideya kung paano magluto ngunit susubukan niya para magpalakas sa dalaga. Kumuha siya ng apat na na drumstick at nilagyan ng maraming paminta at oyster sauce pagkatapos inilagay ito sa oven. Hindi niya alam kung ilang minuto basta nilagay niya nalang sa 1:30 oras. Pagkatapos gumawa siya ng chocolate milk at nilagay naman sa oven toaster. Tapos kumuha siya ng isang itlog at hinalo ito. Balak niya ng gumawa ng french toast bread with garlic. Habang nakasalang ang mga niluluto niya umupo siya sa upuan. Ngunit nakaidlip siya at nagulat nalang siya nang biglang nakaamoy siya ng sunog. Napabalikwas siya at nakitang sabay-sabay umusok ang, kawali, oven at oven toaster. "Fuck... Ano ang ginagawa mo? Susunugin mo ba ang condo ko?" Inis na inis na saad ng dalaga habang nagmamadaling inaapula ang usok. Mabuti nalang at may fire sprinkler ang kanyang ceiling. "I'm sorry, gusto ko lang kasi magluto sana. Alam ko kasi gutom kana rin. Napabuntonghininga si Shanine. Bagong ligo lang siya ngunit ang dungis niya ulit. Nang mawala ang usok, kinuha niya ang mga pagkain na nakasalang at napailing nalang siya sa mga itsura. Wala nang nagawa si Shanine kundi linisin ang kalat ni Heath habang ang binata ay palihim na gumawa ng sandwich para i-peace offering sa dalaga. "Pussybabe, I'm sorry. Ngumiti kana, sabay tanggal ng itim sa mukha ng dalaga. Hindi napigilan ni Shanine na hindi mapangiti sa ginawa ni Heath sa sandwich. "Baliw ka! Kung hindi lang ako nakosensiya pinalayas na kita dito." Kinilig si Heath ng kinuha ni Shanine ang sandwich at kinain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD