Kinaumagahan maagang gumayak si Shanine dahil sa bagong niyang misyon. Iniwan niya ang kanyang ama at mga didi niya sa bahay. Ang mag-amang Geller naman ay umuwi ng tumila ang ulan. "Bria, are you sure na nagpaalam ka kay Matt? Paano ang baby mo e buwan palang?" "Buddy, alam niya. Ito na ang last misyon ko. Pagkatapos mag-reresign na daw ako para alagaan ang pamilya namin. Pero siyempre pagkailangan niyo ako tumawag kalang at darating ako." Malungkot na masaya si Brianna habang sinasabi ang plano niya. Maliliit palang sila ay magkasama na sila palagi. "I'm happy for you, buddy. Ako kaya kailan papakasalan ng Kuya Adam mo?" Saad ni Shanine sabay buntonghininga. "Iwan ko ba kay Kuya Adam ang bagal. Uunahan pa siya ni Geller." Nakangising saad ni Brianna. "F*ck you, buddy. Parang hind

