"f**k. . She's crazy but beautiful." Nakangising saad ni Heath habang pinapagpag ang dumi sa damit n'ya. Kinapa niya ang bulsa n'ya upang tingnan ang cellphone n'ya, mabuti nalang at hindi 'to naiwan sa sasakyan n'ya. Tinawagan niya si Razel ngunit hindi nito sinasagot. Hindi siya sumuko ngunit puro lang ring ang cellphone ng kaibigan. Gabi na at nasa gitna parin siya ng kalsada. Habang bumaba sa overpass nakita niya na may station ng MRT ngunit sa buong buhay niya ay hindi pa siya nakasakay. Nagkunwari siyang may alam ngunit ang kanyang mga mata ay palihim na nagmamasid sa mga mga tao. Pumila din siya at bumili ng card. Pagdating niya sa MRT agad niya sinuksok ang card at pagtaas ng harang agad siya pumasok ngunit bago paman siya makalabas ay nasagi ng bakal ang kanyang malaking ahas.

