Claire It is harvest season and ate Marie is busy, same goes with me. Ako kase ang encoder niya, I help with the technical stuffs, mabuti nalang ay tulog ang kambal. Hindi ko naman sila iniiwanan, nandito lang din ako sa kwarto. I enjoy being busy, sa totoo lang ay namimiss ko rin paminsan-minsan ang trabaho sa office. Pero masaya naman ako dahil natututukan ko ang kambal, importante ang parent and child relationship lalo na during infancy. It's the time they learn their firsts, paglakad, pagsasalita and such. I sighed, naalala ko na naman siya. Troy Matthew looks like his younger version, and my baby reminds me of his father so much more than I talk about it. Lumipas ang oras at inabot na ng gabi ang pag hahakot ng mga saging na na-harvest. Saglit akong sumilip sa labas, nasa sala na

