Walang pagsidlan ng tuwa ang matandang babae ng sabihin na ni Yael sa kanya na dito na muna kami maninirahan. Ngunit ang hindi ko nagustuhan ay ang sinabi niyang dahilan kung bakit kami bigla na lang nagdesisyon na umuwi na muna dito sa bahay ng kanyang nag-iisa na lang na magulang. Dahil nga nabigla ako ay hindi ko na nagawa pang kumontra sa sinabi niya lalo pa at lantay sa mukha ng kanyang Mama at maging kay Zandro ang sobrang saya ng marinig ang ibinalita ni Yael. "Naku, iha, huwag na huwag kang magpapa stress dito sa asawa mo, ha? Hayaan mong ako ang umaway sa kanya kapag oras na ay wala pa siya dito sa bahay," wika ni Mama Cora na sobra-sobra na naman ang mga pagkain na inihanda para sa akin. Tumatango na lamang ako sa lahat ng kanyang sinasabi at kinakain ko na lang ang bawat pa

