"Ma, kamusta?" tanong ni Zandro ng salubungin ako mula na naman sa isang kasalan na pinuntahan ko bilang proxy kay Yael na siyang inimbitahan ngunit hindi nakarating dahil may mga mas importanteng gagawin. Napawi ang pagod ko ng makita ang binatilyo kong anak na aaminin ko talagang namimiss ko na rin ng sobra. Paano ko naman ba siya hindi mamimiss kung halos araw-araw ay hindi ko na siya nakikita at nakakasama. Hindi gaya noon na kami lang ang magkasama na mag-ina. "Kanina ka pa ba, anak? Pasensya ka na at nagtagal din kasi ako doon sa kasal na ninong ang Papa mo ngunit may mas importanteng siyang dapat na gawin kaya ako na lamang ang siyang nagpunta," wika ko at saka ko na inilabas ang susi ng gate na kinuha na sa akin ng anak ko para siya na mismo ang magbukas. "Hindi naman po, Ma. P

