KABANATA XXIII| REQUIESCAT IN PACE The nerd's pov "Ako na ang magtatawag ng pulis sa labas." Sabi ni Markus saka siya nagpaalam sa aming ni Kurt. Tumango lang ako saka tumingin kay Rico na ngayon ay wala ng malay. Itinali namin siya kanina sa upuan nang bumagsak siya sa pagkakasuntok sa kanya ni Kurt nang magkasagutan sila kanina. Bumuntong hininga ako. Inikot ko ‘yong mata ko sa lugar kung saan sana magaganap ang tertulia. Ang hall na walang kasing saya noon, ang tahimik na ngayon. Tanging pagtikatik lang ng kamay ng orasan ang tanging naririnig ko. Hindi sana ganito, eh, masaya sana kami ngayon kung hindi lang sana sinira ni Rico ang lahat. Eto pala ang palabas. Kung pwede lang sanang isipin na isa lang itong pagtatanghal sa Tertulia. Pero hindi, eh. Kahit pagbali-pabaliktarin ko laha

