XXVIII: HULING HALAKHAK The 13th seminarian/general beadle’s pov "Hayop ka, bakit mo ginawa ito sa kanila!!!" Sigaw ng isang lalaking nakatali sa harapan ko. Bumuntong hininga ako saka tumawa ng malakas. ‘yong tawa na sa tingin ko ay huli na niyang maririnig. Nakakatuwa at nakakatawang isipin na sa akin pa rin pala ang huling halakhak. Mga inutil kasi silang lahat! Lumapit ako sa lalaking nasa harap ko saka ko hinasa ‘yong patalim na hawak ko sa leeg nya. Nginitian ko siya. “Bakit hindi?” "P..patayin mo na rin ako." pagmamakaawa niya. "Patawad, hindi naman talaga sila ang balak kong patayin, nadamay lang sila sa away natin. Mga harang kasi sila sa plano ko kaya sila muna ang inuna ko." Sagot ko saka nagpatuloy sa pagtawa. "A..anong ibig mong sabihin?" Nag-aalangang tanong nito.

