ALEXANDERIA Pilit kong pinapakalma ang sarili sa pamamagitan ng pagbuga ng hangin. Bawat buga ko ng hangin ay panay naman ang tingin ng dalawang nasa unahan ko sa rear-view mirror. Malapit na kami sa bahay ni Gregg ngunit hindi rin nakatulong ang pagbuga ko ng hangin para kumalma ako. Sa halip ay mas lalo lang kumakabog ang puso ko na labis kong ipinagtataka. Nang nasa tapat na kami ng gate ay isa pang malalim na hinga ang pinakawalan ko bago lumabas sa nakabukas ng pintuan ng kotse. Si Batista na rin ang pumindot ng doorbell para sa akin. Kapag kasama ko si Basil at Batista ay para akong isang VIP na hindi maaaring lapitan ng kung sino man. Bantay sarado ang mga ito sa akin. Para akong mababasaging crystal na sobra nilang iniingatan na kapag nabasag ay tiyak na malaki ang singil ng

