GREGG Hindi ko na nagawang magsalita. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Para akong nakatanggap ng isang balita na hindi ko kayang paniwalaan na hanggang ngayon ay pilit pa rin in-absurb ng utak ko ang narinig ko. "It's not true, manang. Baka nagkakamali ka lang," umiling-iling na sabi ko. Bahagya ng bumaba ang boses ko. Ganito palagi ang epekto ko kapag si Lexa ang pinag-uusapan. "Totoo ang sinabi ko, Gregg. Pwede mo kausapin at tanungin si Sir Gibson. Alam niya ang lahat. Ayaw lang niya sabihin sa 'yo dahil ayaw niyang magalit ka sa anak ng kaibigan niya." Napasabunot ako sa aking buhok saka marahas na napahilamos. Nagimbal ako sa nalaman ko. Hindi ko lubos akalain na minahal ko pala ang tao na sinisi ko noon sa pagkamatay ng mama ko. Pinaglalaruan ba talaga kami ng tadhana?

