ALEXANDRIA Mabigat ang katawan na bumangon ako sa aking higaan. Kahit ayaw kong kumilos ay pinilit ko dahil may kailangan pa akong puntahan. Hindi ko na dapat ito ipagpaliban. Pupuntahan ko si Sir Gibson para humingi ng tawad sa nagawa ko. Alam kong bata pa ako ng panahon na nangyari ang aksidente at wala pa akong muwang pero, kailangan ko pa rin humingi ng tawad. Kahit pagbali-baliktarin man ang mundo, kasalanan ko pa rin. Sinipat ko ang aking sarili sa salamin. Namumugto ang mata ko dahil sa magdamag kong pag-iyak. Ilang beses din akong tinawagan ni Gregg pero hindi ko siya sinasagot. Baka hindi ko kayanin kapag nakausap ko siya. Baka bumigay ako. Hindi makakatulong kung may komunikasyon pa rin kaming dalawa. Baka lumala lang ang sitwasyon. Hindi si Cecil ang iniisip ko kung 'di a

