ALEXANDERIA Kanina pa ako tulala sa nurse station habang tinitingnan ko lang ang mga tao na paroo't parito. Nahihilo na nga ako sa ginagawa nila. "Bestie, baka naman pwede ikaw na lang ang pumalit sa akin mamaya. May gagawin kasi akong importanteng bagay," pukaw ni Misty sa akin. "May gagawin din ako," tipid kong tugon at tiningnan ang record ng pasyente ko. "Kahit ngayon lang, bestie." Sinamaan ko ito ng tingin. Marami naman ang pwede nitong kausapin ako pa talaga ang napili. Pinili ko na kasi ang shift sa umaga ayon na rin sa pakiusap ni Gregg. Ayaw na niyang umuuwi ako ng madaling araw lalo na at hindi niya ako magawang sunduin dahil kailangan din niyang umuwi sa bahay niya lalo na kapag weekends. "Hindi ko na magagawa ang duty ko sa gabi, Misty. Mabilis kasi ako antukin at ti

