ALEXANDERIA Matamis ang ngiti sa labi ng bumangon ako sa higaan. Natigil lang ako sa paghihinat ng katawan nang sulyapan ko ang katabi ko. Mahimbing pa rin itong natutulog. Dinampian ko siya ng halik sa pisngi at labi. Bahagya siyang kumilos ngunit nanatili pa rin nakapikit. "I love you." I whispered to him. Sumilay ang ngiti sa labi nito saka awtomatikong gumalaw ang kamay at niyakap ako kaya muli akong napahiga. "Ang sarap naman ng umaga ko," anito sabay halik sa noo ko. Humagikgik ako at sumiksik sa dibdib nito. "Uuwi na ako, Gregg." "Maaga pa, mahal ko. Mag-almusal ka muna. Ako na ang maghahatid sa 'yo," namamaos ang boses na saad nito at niyakap ako ng mahigpit. "Maliligo muna ako. Sumunod ka na lang ha," sabi ko rito at nag-angat ng mukha para sulyapan ito. Unti-un

