Chapter 9

2951 Words

ISANG ngiti ang iginawad ni Darrina sa mga nakapaligid na bisita sa event hall. Matandain siya kaya bilang niya kung nakakailang kiss na sila ng ‘asawa’ bukod pa sa traditional kiss sa wedding rites. Nakangiting tinitigan siya ng asawa. “Darri, hindi pwedeng hindi natin pagbigyan ang mga bisita. Be sport. Mag-asawa na tayo. Masaya lang sila para sa ating dalawa.” Pinunasan nito ng panyo ang gilid ng kaniyang labi. Kakatapos lang din ng traditional na cake cutting. Nasa paligid sina Meme, Ronald at Hanz. “Let’s dance,” yaya ni Cayel nang muling tumugtog ang banda na kinuha ni Fely para sa dagdag na entertainment sa reception. She pursed her lips. Pagkuwa’y tinanggap ang palad ng asawa at napagiya na sa dance floor. Maganda ang pag-cover ng female vocalist ng kanta ni Christina Perri.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD