CHAPTER 9: No Longer Secret
MAHIMBING ANG pagkakatulog ko nang gambalain iyon nang malakas na tunog. Imbes na pag-aksayahan ng oras, kinuha ko ang pillow atsaka ginamit pangtakip para hindi marinig ang maingay na tunog. Ngunit sadyang ayaw nito magpa-awat. Hindi ito tumigil sa pagtunog na ikinanis ko.
"Argh! Ang aga-aga!"
Pikit-matang umusod ako palapit sa table sa side ng bed ko at kinuha roon nag kanina pang tumutunog na cellphone. Hindi ko dinilat ang mata at basta nalang sinagot ako tawag.
"What?! You're annoying!"
"Gaga ka! Anong oras na?! Hindi ka ba papasok?!"
I move away my phone from my ear becuase of the sudden shout from other line. It was Jecel who's calling.
Dahil sa gulat, agad akong umupo sa kama at tinignan ang clock sa side table.
"What?! Akala ko ba holiday ngayon? Bakit may pasok?" anas ko.
"Gaga! Kahit daw holiday may pasok, bahala ka may exam kay sir!" pananakot niya. The heck?! Exam in holiday?!
"Are you kidding me, Jec? Coz it's not funny!" inis kong sabi.
Holiday ngayon. Nakinig ako kahapon. Si sir mismo ang nag-announce na wala kaming klase. Paanong binago nila?
"Bahala ka! Ikaw rin naman mawawalan ng score. Bye, girl!"
"Jece—"
Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin nang naputol ang tawag. Inis akong tinignan ang screen ng phone ko. Dali-dali akong nagkalikot at dumiretso sa group chat. Mabilis kong binuksan ang group chat naming tatlo at napasigaw ako sa inis.
JECELQUEEN:
Gaga, te, mukhang tulog pa si Eara.
ROSETY:
Lam mo naman 'yan, te, buhay mayaman.
JECELQUEEN:
I-pa-prank ko nga. HAHAHHAHAHHAHA!
ROSETY:
GAGA KA TALAGA HAHHAHA GO! BALITAAN MO KO!
JECELQUEEN:
SIGI TIH!
Nanggagaliiti akong nagtipa ng message at mabilis na sinend sa kanila.
ME:
MGA FAKE FRIENDS! WALA KAYONG MGA AWA!
Mabilis kong pinatay ang cellphone at binato sa kama. Gising na ang diwa ko. Ano pang magagawa ko kundi tumayo na. Panira talaga iyang si Jecel kahit kailan.
Naghilamos muna ako at nagpalit ng suot bago bumaba. Dumiretso ako sa kusina at nagulat ako nang makita kong naroon si Yiago. Abala siya sa pagkain. Naramdaman yata niya ang presence ko kaya dahan-dahang umangat ang ulo niya at nagtama ang mga mata namin.
Dali-dali siyang tumayo. "Good morning, ma'am. May pasok po kayo?"
Umiling ako. "Wala."
"Bakit ang aga niyo pong gumising?" tanong nito.
Tumaas ang kilay ko. "What do you think of me? Buhay prinsesa?"
Sunod-sunod siyang umiling. "Hindi naman, ma'am. Nagulat lang ako. Dapat po natulog pa kayo wala naman kayong klase."
"Bakit ka nagdedesisyon sa anong dapat kong gawin?"
Umiling ulit siya. "Hindi naman, ma'am."
"What are you doing here?" I ask nang natahimik siya.
Pansin ko kasing naka-personal driver attire siya. Wala ba siyang pasok sa shop?
"Ah, day off ko po sa shop. Kapag holiday po kasi, close 'yon. Walang estudyante, e."
"Si Manang?"
"Natulog ulit. Maaga daw siyang gumising kanina," sagot niya. "Gusto mo na bang kumain? Sabi ni Ate Lumeng, naghanda daw siya ng pagkain sa'yo, iinit mo nalang daw. Gusto mo bang ako na mag-init?"
"No need. Kaya ko."
Naglakad ako palapit sa ref. Nakita kong naghanda si Manang ng ilang sandwhich. Mayroon ding bacon, egg at toasted bread. Kinuha ko lahat iyon at nilapagag sa counter. Agad namang umusod si Yiago para bigyan ako ng space. Napatingin tuloy ako sa kinakain niya. Kape at kanin ang kinakain niya. Mukhang yong leftover pa kagabi.
"You want?" Alok ko.
Ngumiti siya. "Hindi na po, ma'am. Busog na po ako."
Tumango. "Can you brew me a coffee?"
"Sige po, ma'am. Sandali po."
Umupo ako saka inayos ang breakfast.
"Heto po, ma'am." Nilapag niya sa tapat ko ang isang basong may kape.
"Thanks."
Tahimik kaming kumain.
"By the way, may phone ka na?"
Umiling siya. "Wala pa rin po."
"You're so stubborn. Sabi ko sa 'yo bumili ka na 'di ba?"
"Wala pa po akong sweldo, ma'am."
Oo nga pala. "Hmm. Wala kang pasok, right?"
Tumango siya. "Opo, bakit po? May ipapagawa kayo?"
"No. Samahan mo ko sa mall mamaya may need akong bilhin."
"Sige po, ma'am. Anong oras po?"
"By 10?"
Tumango siya. Kinuha niya ang plato at dinala iyon sa sink. He was about to left nang lingunin niya ako.
"Balik lang po ako sa kwarto."
I nodded.
He then turn his back at me and walk away. Pinanood ko ang pagkawala niya. Masiyado naman ata siyang magalang? Kung makagamit ng po, e, parang ang tanda-tanda ko na.
Umiling ako saka tinapos ang pagkain. Nnag matapos, bumalik ako sa room. Narinig kong natunog ang phone ko dahil sa messages kaya umupo ako sa kama at kinuha iyon saka binuksan.
JECELQUEEN:
Mahala ka namin Earawr!
ROSETY replied to JECELQUEEN:
2
JECELQUEEN:
Gayagaya kang gaga ka!
ROSETY:
HAHAHAHHAA nagtampo ata si Eara.
JECELQUEEN:
HAHAHAHA call ako.
Nakita kong nakailang call si Jecel sa groupchat namin. Nakita ko rin ang ilang pictures nila habang nag-uusap kaya naman nagjoin na ko.
"What's up, Eara-ng maganda!" Bungad na sabi ni Jecel.
"Sinira mo umaga ka Jecel! 'Wag mo kong kausapin!" Sigaw ko.
Tumawa siya pati na rin si Rose.
"Away, o, away!" ani Rose.
"Ako ang human alarm clock mo, Eara. Magpasalamat ka!" Natatawang sabi niya.
Umirap ako. "Bwisit ka!"
Tumawa lang sila.
Inabot kami ng mahigit isang oras sa pag-uusap. Hanggang sa magdesisyon akong i-end ang call.
"Bye na. May pupuntahan pa ko!"
"Sama!" Sabay na sigaw nila.
"Bawal!"
"Ang damot!" Sumimangot si Rose.
Natawa naman si Jecel. "Hindi bagay, Rose, tumigil ka!"
"Bye, girls!"
Pero bago ko pa tuluyan mapatay ang tawag, may pahabol na sinabi si Jecel pero hindi ko gano'n naintindihan. Bahala siya.
I busied myself in soc-med. Hindi naman ako madalas gumamit ng ganito. Pangtanggal lang ng bore.
____
Tapos na ko mag-ayos. I am wearing a simple dress na above the knee and a 2 inches heels. Mahilig ako sa dress kaya puro dress ang nasa closest ko. Pinagmasdan ko ang sarili sa salamin. Ngumiti ako nang makita kung gaano ako kaganda.
Kinuha ko ang sling bag sa may kama saka lumabas ng kwarto at bumaba. Lumabas ako ng bahay at dumiretso sa park. Rinig kong inayos ni Yiago ang engine ng sasakyan. Nasa labas ang isang paa niya while half of his body is inside the car.
"Any problem?" I ask when I reach him.
Dumungaw siya sa 'kin. "Wala naman po. Chinecheck ko lang baka masiraan tayo e."
I nodded. "Let's go."
Bumaba siya at pinagbuksan ako ng pinto. Nnag makapasok ako ay sinara niyang muli ito saka pumasok na sa driver's seat. He started the car then left our house.
"Saan nga po ulit tayo, ma'am?"
"Sa mall."
"Okay po."
Nang makaramdam ng pagkabagot, binuksan ko ang bag at kinuha ang phone ko. But natigilan ako nang hind iyon nakita roon.
"Oh my gosh! Don't tell me—" Gulat kong reaksiyon. "I left my phone!" Tumingin ako kay Yiago.
"Balikan po ba na 'tin?"
"No. It's okay. We'll come home quick din kasi."
"Pwede po bang itanong kung anong gagawin mo sa mall?"
"Na'tin," I correct him. "We'll buy you a phone."
"Ma'am!" sigaw niya.
"What?!"
"Hindi na po kailangan," nagbago bigla tono niya.
Umiling ako. "I insist. Tsaka what I've told you? Hindi para sa 'yo but for me so I can call you if ever may emergency, right?"
"Pero, ma'am—"
"No pero-pero. Papunta na tayo, tatanggi ka pa?"
I saw how he sighs.
"Nakakahiya lang po."
"Don't me. Uhm, think it as a... uhm... birthday gift like that, okay?"
"Paano po niyo nalaman na malapit na ang kaarawan ko?" gulat na reaksiyon niya.
Gulat din akong tumingin sa kaniya. "Really? When is that?"
"Sa susunod na huwebes po." Nakangiting aniya.
"Really, so advance happy birthday and advance birthday gift."
"Naku, ma'am, salamat." Ngiting-ngiting aniya.
I smile. I see how genuine his smile is.
"At don't use 'po' all the time. Para naman ang tanda ko, e, mas matanda ka naman sa 'kin."
"Anak ka po ng boss ko kaya dapat kang igalang."
Umiling ako. "Still drop the po, okay?"
"Okay po, ma'am."
"Good."
Ilang saglit lang nang makarating kami sa mall. Nahiya pa siya when I said that he'll going with me. Hindi raw magandang tignan lalo pa't ang layo ng suot naming dalawa. There's nothing wrong with that. He's over thinking.
"Ma'am, nakakahiya po talaga," he said when he passed the guard.
"Nahiya ka pa ha? Nakapasok ka na, e."
"Ma'am naman."
I laugh at his face. Para siyang nahihiyang baby.
Wait, what? Watever!
"Let's go na para makauwi na tayo." Nauna akong naglakad.
Pansin ko ang ilang nakakasalubong namin na hindi maiwasan na mapatingin sa taong nasa likuran ko. I ak confuse when someone approached me and greeted me but their eyes are on the man behind me. I just smile and greeted them back.
We reach a*****e. Pumasok kami at agad ko siyang pinapili ng phone.
"Naku, ma'am, mukhang mamahalin po ang tinda dito, e. Sa palengke na lang po kaya tayo bumili." He said.
"Just pick whatever you want, I'll pay."
Tumingin siya samga nakalatag na mga iba't ibang brand ng phone. I just watch and observe him.
Inangat niya ang tingin sa cashier. "Wala po kayong di-keypad na binebenta?"
Natawa naman ang babae. "Wala po, sir."
The heck?! I don't bring him here to buy that phone! I don't think he can choice so I don't have a choice but to choose for him.
Tumayo ako sa tabi niya at nagmasid.
"Ma'am, ang mamahal po talaga, huwag nalang po kaya—"
"This one please." I pointed the vivo brand I think naman he can use it.
"Ma'am!"
Nagulat ako nang hawakan niya ko sa braso. Napatingin ako sa kamay niyang nasa braso ko bago siya tinignan sa mukha. Nahuli kong nakatingin din siya sa kamay niya kaya mabilis niyang inalis iyon.
"S-sorry, hindi ko po sinasadya. Hindi ko lang talaga kayang tanggapin 'yan."
I am too stunned to speak up. He's hand is hot. May kung anong kuryente ang dumaloy mula sa kamay niya papunta sa braso ko.
"Here, ma'am. Thank you po."
Nabalik ako sa sarili at napatingin sa babae.
"A-Ah, yeah." Kinuha ko ang inabot niya at binigay kay Yiago.
"Here. Let's go home na."
Nauna akong lumabas ng shop. I don't knos why but my heart stop a bit when he touch my arm.
"Ma'am!" Rinig kong tawag niya.
But I ignore him. I continue walking until I reach the escalator. Don't think too much, Eara. Nabigla ka lang. That's it. No more else.
I immediately went inside the car when I reached it. Kita ko naman na nakasunod lang siya sa akin. Ilang saglit pa nang pumasok siya.
"Bakit po kayo nagmamadali, ma'am?"
"W-Wala. Let's just go home."
"Opo, ma'am. Salamat po pala dito, babayarin ko nalang po kayo kapag naswelduhan na ko."
"No need. Gift ko 'yan, remember?"
"Per—"
"Drive." Utos ko.
Buong biyahe ay hindi mawala sa isip ko ang kuryenteng dumaloy sa amin. I overacting about it. I just don't sanay na may ibang lalaking humahawak sa akin except dad kaya siguro ganoon ang naging reaksiyon ko.
Narating namin ang bahay na walang usapan na naganap. Nang mapasok niya ang kotse ay agad akong bumaba at tumakbo papasok sa loob.
And I am about to ran towards the stairs when I heard a familiar voice calls me.
"Eara!"
Nanigas ako sa kinalalagyan at dahan-dahan na hinarap ang gawing salas. My eyes widen when I saw those two person that should not be here.
"J-Jecel... Rose..."
What the hell?!
"No other than!" sigaw ni Jecel at tumayo.
"A-anong ginagawa niyo rito?" Naguguluhan na tanong ko.
"Duh! I said pupunta kami, right? Kaso mukhang na-end mo na before you heard it. Surprise!"
Hindi dapat sila nandito. What if they found out that Yiago is here?!
Tatakbo na sana siya palapit sa amin nang may narinig kaming boses mula sa pinto.
"Ma'am, bakit ang bilis niyo pong nawala—"
I froze when I see Yiago enters.
"Ikaw?!" sigaw ni Jecel at Rose.
___
DB