CHAPTER 30: May Nangyari Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi kakaisip sa nangyari. May meaning ba 'yong ngiti niya? Or baka coincidence lang? Ayan ang bumagabag sa akin magdamag. Hindi rin ako nag-reply sa message niya. "Okay na siguro 'to." Pinagpagan ng leader namin ang cartolina na sinulatan namin para sa report mamaya. Buong umaga ay nagpokus kami sa reports. Ganoon din sila Jec at Rose. Hindi kami nagsabay mag-break kasi nasa kaniya-kaniya kaming groups. Nang mag-lunch time, saka lang kami nagkasama-sama. "Nabawasan ng 1% ang utak ko dahil sa reporting," angal ni Jec habang umuupo kami sa table sa cafeteria. "Ano ba inyo?" Tumabi si Rose sa kaniya. "Drawing. E, hindi nga ako marunong kaya wala tuloy akong na-iambag. Kaya i-na-sign ako ng leaded namin sa explanation, napalaba

