CHAPTER 22: Fake Boyfriend "jUST ACT." Nginitian ko si Yiago nang humiwalay ako sa kaniya. Hinarap ko muli si Ella at kitang-kita ko ang gulat sa mukha niya habang nakatingin sa amin. "So," pang-aasar ko. "satisfied?" Hindi siya agad nakakibo. I take that opportunity to face Yaigo again. "Serve us the always. I'll be waiting," pabebe kong sabi saka marahan na hinaplos ang pisnge niya. Hindi naman nakapalag si Yiago, katulad ni Ella ay gulat din ang reaksiyon nito. Alam kong mas lalong nainis si Ella sa ginawa ko. "Let's go," ani ko saka naglakad sa dati naming pwesto. Sumunod naman sa akin sina Jec at Rose. "Iba talaga kapag si Eara ang umeksena. Lahat bumilib, oh,", nagmamalaking sabi ni Jec nang makaupo kami. "Eara pa ba?" Ani rin ni Rose. "Chill, ako lang 'to." Tumawa sila

