CHAPTER SIX: SECRET

1463 Words
SECRET The class dismissed early. Wala kasi ang last prof namin kaya nagkanya-kanya na kami. "Ano, 'te? Balik tayo ro'n sa milktea shop?" biro ni Jecel. Umirap ako. Ako na naman ang pinaparinggan ng isang 'to. Umakto ako na walang narinig. "Parang gusto ko ulit magpalamig," gatong ni Rose. Naramdaman kong nilapit pa ang mukha niya sa buhok ko. "Oo, 'te, ako rin. Ikaw ba Eara?" Natatawang tanong sa 'kin nito. Hindi ko siya binalingan. "Busog ako." Mataray na sagot ko. Nagtawanan sila. Narinig ko pa na nag-apir sila. Umirap ulit ako. "Bahala ka, kami nalang ni Rose pupunta ro'n." "Oo, tara nga! Nauuhaw na talaga ako e. Need ko ng poging guy—" Kinalampag ko ang mesa at biglang tumayo. Nagtawanan na naman sila. "Bilis! Ayokong pinaghihintay!" Nauna akong lumabas ng room. "Ayoownn!!" sigaw nila saka sumunod sa 'kin. Dahil second day palang ng shop, marami pa ring tao. Pumuwesto ulit kami sa pwesto namin kahapon. "O, treat ko pero ikaw oorder ha." Inabot sa'kin ni Jecel ang pera. "Why me? You should. Ikaw ang manlilibre, no!" Iniwasan ko ang pera na inaabot niya. "Ang arte!" Sapilitan na nilagay nito sa palad ko ang pera niya. "Sige kapag binitawan mo 'yan, i-t-treat mo ulit kami. Sige ka!" "Oo nga!" Natatawang sabi ni Rose. Inis na tumayo ako. Masamang tinignan ko pa sila. Ngumiti lang mga mga ito. Inis na naglakad ako at pumila sa counter. Narinig ko pa ang hagikhikan ng dalawa bago ako pumila. And like what happened yesterday, he is the one who get my order. Habang tinatype niya ang order ko, naririnig ko ang ingay ng dalawang bruha sa pwesto namin. Umiling ako sa hiya sa ginagawa nila. "I'll deliver your order to your table, ma'am." He smiled. Tumango ako at ngumiti rin saka naglakad pabalik ng table namin. Malayo palang kita ko na ang mga nakakakilabot na tingin nila. "Success ba?" Natatawang ani Jecel nang umupo ako. "Oo, nakaorder naman," simpleng sagot ko. "Naku, denial pa," natatawa ring ani Rose. "Binigay ba number niya? Baka naman pa-share?" Umiling ako. "Wala siyang cellphone." Wala sa sariling nasabi ko. Natahimik sila kaya tinignan ko sila. Nakita ko na nagtitigan sila bago ngumiti na parang mga sia saka ako tinignan. "Why?" "Hiningi mo number niya, no? Ikaw ha?" Naguguluhan na tinignan ko si Rose. "What? Why would I?" "Eshe! Mga dahilan!" "Hindi naman talaga. Anong gagawin ko sa number niya?" "Eh, pano mo nasabing wala siyang phone?" tanong naman ni Jecel. "Ha?" Naguluhan ako bigla. "Sino nagsabi na wala siyang phone?" "Ay bangag ka, teh? Kakasabi mo nga lang, e!" "Nagdadahilan lang 'yan, te. Ayaw niya lang ma-share si kuya." "Wala akong sinasabi!" dipensa ko sa sarili. "Tignan mo, maang-maangan." Tinuro pa ko ni Rose. "We get it. Ayaw mo na may kahati. Hindi naman kami makikihati, no!" "I don't understand you both!" Tinawanan lang ako nito saka ako inasar lalo. Lalo pang lumakas ang loob nila nang dumating ang order namin. At siya ang naghatid. Paalis na sana ito ngunit biglang nagtanong si Jecel. Sinamaan ko ito ng tingin pero hindi siya nagpatinag. "Kuya, may tanong ako." "Ano po 'yon, ma'am?" "Single ka pa ba?" sabay na sabi ni Rose at Jecel. "Really?!" sarkastikong sabi ko at tinignan silang dalawa. Napatingin ito sa'kin habang suot ang ngiting hindi ko mabasa. "Yes, ma'am," sagot niya. Bigla akong hinawakan sa balikat ni Jecel. "Single din 'tong kaibigan namin." "The heck, Jec!" I shrug her hands off me. Tinignan ko ang lalaki. "I'm sorry for their behavior. You can go." Nalito pa ito ngunit pinanlakihan ko siya ng mata. "Y-Yes, ma'am." Mabilis itong naglakad palayo. "Oh, ano? Single pa raw?" asar ni Jecel. "Grab na, te!" ani Rose. Umiling ako. Imbes na sagutin sila ay sumipsip nalang ako ng milktea. Lihim kong tinignan ang counter. Nakita kong abala siya sa pagkuha ng order. Ngunit bigla siyang tumingin sa gawi ko kaya agad akong umiwas. The heck, self?! Time really fast. Ngunit sa mga oras na 'yon, bukambibig ng dalawa kong kaibigan ang personal driver ko. Hindi ko nga masabi ang tungkol sa na personal driver ko ang taong iyon dahil malamang they will tease me after knowing that. So, I decide to secret it to them. Kapag tinigilan na nila ang pag-aasar sa akin saka ko lamang sasabihin. "Ano, sulit ba? Titig na titig ka, e." Asar ni Jecel nang lumabas kami sa shop. Inirapan ko siya. "Jec." Tumawa ito. "Napakaarte mo talaga." "Ma'am!" Nakailang hakbang na kami nang lumabas sa shop nang biglang may tumawag sa likod namin. Pare-pareho kaming natigilan at tinignan ang taong tumawag. "Uy, mukhang may nakalimutan ka yata." Tukso ni Rose. "Go, chance mo na 'yan!" Hindi ko inalis ang tingin sa lalaking nakatayo sa pinto ng shop. Half body lang nito ang nakalabas at bahagya pang nakahawak ang kanang braso niya sa pinto. Natauhan lamang ako nang may tumulak sa'kin. "Dalian mo na! May pa-freeze ka lang effect diyan!" ani Jecel. Inirapan ko sila bago dahan-dahan na lumapit kay Yiago. What? Kailan ko pa siya tinawag sa name niya. "Why?" tanong ko nang makalapit ako sa kaniya. Lumabas ito at napakamot ng ulo. "Hindi pa po tapos nag shift ko. Kung pwede, hintayin niyo nalang ako sa sasakyan." "Okay," simpleng tugon ko. Tatalikuran ko na sana siya nang pigilan ako nito. Hinawakan niya ako sa braso dahil sa gulat ay mabilis ko iton tinanggal at muli siyang hinarap. "What?!" "Ah-eh..." Dumukot ito sa bulsa at may kung anong nilahad sa akin. "susi po..." Mataray kong hinablot ang susi sa kaniya atsaka sinuksok sa bulsa ng palda ko saka walang paalam na iniwan siya. Mabilis na nagmartsa ako palapit sa dalawang bruha. Sinalubong ako ng mga ito at inakbayan. "Anong pinag-usapan niyo?" "May binigay sa 'yo, a? Ano 'yon? Patingin." Pilit na kinukuha ni Jecel ang susi na binigay sa'kin. Ayokong ipakita sa kanila dahil ayokong malaman nila na personal driver ko siya. "Wala 'yon!" pilit kong tinatabig ang kamay niya. "Ito naman, titignan lang, e. Dali na!" Nakisali na rin si Rose sa paghigit. Mabilis akong humiwalay sa kanila at nangunang maglakad. "Mauna na ko! Andiyan na ang sundo ko!" Hindi ko na hinintay na sumagot sila. Mabilis akong tumakbo sa parking lot ng shop. Mabuti nalang bagong brand ang sasakyan namin at hindi nila ako agad nakita. Mabilis kong pinatunog ang sasakyan at dali-daling pumasok. Yumuko ako para hindi nila ako makita. Five minutes had passed before they finally let me go. I heave a sigh after they gone. Umalis ako ng upo at tinignan ang sarili sa salamin. Inayos ko ang na gulong mga hibla ng buhok. Kinuha ko ang phone at nagchat sa gc namin. ME: Ingat kayo pauwi! After I sent, I logged out. I throw my phone and rest myself. I need to find a way so that they can't find out that the guy their assuming that I like, is my personal driver. Hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako. Nagising na lang ako nang may naramdaman akong umuuga sa katawan ko. "...Ma'am, ma'am, ma'am." I rubbed my eyes then I finally see the person waking me up. Nagulat pa ako nang mapansin kung gaano kalapit ito sa akin. Ilang dipa lang ang mukha nito sa mukha ko. "Too close!" I push him away. "Sorry, ma'am. Hindi ko po kasi kayo magising," anito. "Alis na po tayo." I nodded. Napalingon ako sa labas ng bintana at napansin kong medyo madilim na sa labas. He went to driver seat and start the car. Tahimik naming nilisan ang parking. Silence fills the car while we're on our way. Tanging tunog lamang ng sasakyan ang maririnig. Nakadungaw lang ako sa bintana. Nang tumigil ang sasakyan ay bigla itong nagsalita. "Mga kaibigan mo po, ma'am?" Nagulat ako sa sinabi nito. Agad akong napalingon sa labas at hinanap nag mga kaibigan. Hindi dapat nila malaman na kasama ko itong lalaking ito. "Where?!" "Ah, 'yong kanina, ma'am. 'Yong mga kasama mo sa shop." Tumingin ako rito at nakitang nakatingin siya sa akin gamit ang salamin. I rolled my eyes after I realized what he mean. "Oo." Tumango ito saka muling tinuon sa daan ang mga mata. "Anyway, I want to clear something to you." Muli itong napatingin sa akin. "Ano po 'yon?" "Kapag nasa univ or shop n'yo, we don't know each other, okay?" Kumunot ang makakapal na kilay nito. "Get it?" "Yes, Ma'am." I nodded. "Good. And don't come near me if my friends are around. I'll ask dad to buy you phone so we can contact each other. If you will fetch me, or you will say something to me, just text or chat me, okay?" "Yes, Ma'am." "Good." ___ DB
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD