CHAPTER 8: LOOKING FOR HIM

1200 Words
CHAPTER 8: LOOKING FOR HIM It's been a week. Hindi ko nga alam kung alam na ba nila Jecel at Rose na personal driver ko si Yiago or nagpapapanggap lang sila na hindi nila alam. Sometimes, I saw their eyes while looking at me when we separated our ways. Or maybe, I just hallucinated. "Nakakabored naman. Wala pa rin si sir." Napatingin ako kay Jecel nang nagsalita siya. Tumingin ako sa gawing pinto nang bumukas iyon ngunit hindi si sir ang pumasok kundi isa sa kaklase namin. I looked at my watch. It's been 20 minutes and sir alvin haven't here yet. Siguro'y may ginagawa or baka absent. "Cafeteria tayo. Wala naman ata si sir," anyaya ni Rose. "Gaga, pano kung biglang dumating," kontra ni Jecel. "Wow, takot umabsent? Parang hindi ata ikaw yan, Jec." "Gaga, bagong buhay lang." Tumawa ito. Natawa kami pareho ni Rose. "Really? Wow, si Jecel nagbabagong buhay na." Natatawang saad niya. "Tularan mo rin kaya, Rose." Tukso ko. Umiling-iling siya. "Naku, te, di na bale. Subsob nga ko sa pag-aaral, hindi ko naman na-e-enjoy buhay ko, wala rin." "Mas maganda 'yong may maganda kang performance but you also having fun,'di ba?" ani Jecel. Nanlaki mga mata ni Rose, hindi makapaniwalang nakatingin kay Jecel. "Girl, anong kinain mong breakfast? Bakit bumait ka bigla?" Jecel flipped her hair. "Ako lang 'to, Girl." Patuloy sila sa pag-uusap nang bumukas ang pinto. Unang pumasok si sir. Agad siyang bumati kaya naman dali-daling umayos at nagsibalikan ang ilan sa kani-kanilang upuan. "I'm sorry I'm late. Pinatawag kasi ako sa guidance." Tumayo siya sa harapan. He then looked to his wrist. "10 minutes nalang pala time na. So, wala muna siguro tayong class for today bukas nalang siguro." All my classmates shouted in joy. Masaya sa sinabi ni sir. "Hep. Tama na," Natatawang reaksiyon ni sir. "So, bale may bago pala kayong kaklase." "Talaga, sir?!" Sigaw ni Ella. "Lah, landi," bulong ni Jecel. "Lalaki sir?" dagdag ni Ella. Tumango si sir. "Actually, hindi naman siya transferee kasi mula sa sa klase ko. Because lagi kasing nakikipag-away yon so I decided to exchange him to this class. At isa sa inyo ang malilipat sa klase ko. Lalaki man o babae, kahit sino may chance na lumipat sa klase ko." Nagwala mga kaklase ko. May natuwa, may hindi. "Sino sa amin ang malilipat, sir?" "Spill it na, sir! Pabitin!" sigaw ng isa. "Sir, ako nalang. I volunteer as tribute!" sigaw naman ng isa. Natawa kami maski si sir. Umiling ito bago nagsalita. "Mag-uusap pa kami ng adviser niyo about that. Maybe tomorrow? Nandito na siya at andoon na rin sa klase ko ang isa sa inyo." With that, class ended. Bukambibig iyon ng ilan sa mga kaklase. May mga kumulit pa kay sir para piliin sila but sir said he wanted to talk to our adviser first. Kaya walang nagawa ang iba kundi umasa. "Te, pano kung isa sa 'tin ang napili. Anong gagawin niyo?" tanong ni Jecel nang nasa cafeteria kami. "Okay lang?" Hindi ko sure na sagot. "Ikaw?" baling niya kay Rose. "Okay lang din. Bakit, ikaw?" She shrugs. "Don't know. Parang nakakapanibago lang,'di ba?" We continue talking about it. I don't know why but I felt like something is wrong with Jecel today. She looks down and uneasy. I want to ask her but I am afriad. So, I think I'll call her later night to ask her if there is something wrong with her. Or baka naman hindi lang ako sanay na gano'n siya. She's always jolly but right now she's different. Dati-rati ay sabay siya sa kalokohan ni Rose but now she's just shaking her head while Rose is trying to joke around. Class dismissed. And as always, we ended up here in Milk Tea shop. "Alam mo, te, kanina ka pa. Bakit parang ang lungkot mo today? May problema ba?" Biglang sita ni Rose kay Jecel nang umupo kami sa dati naming pwesto. Nasa harap ko silang dalawa. Umiling lang si Jecel. "Wala naman, medyo masama lang 'yong pakiramdam ko." Agad dumapo ang kamay ni Rose sa noo niya. "Hindi ka naman mainit, a." Umiling ulit si Jecel. "Wala iyan. Order na kayo dali!" Nagkatitigan kami ni Rose. I shrug kasi halata namang nagtatanong din siya sa akin. "Okay, my treat." Tumayo ako. "Same flavor ba?" Tumango sila pareho. Umalis na pero rinig kong kinukulit ni Rose si Jecel. Pumila ako at naghintay. Nang turn ko na, napansin kong wala si Yiago sa counter. "Ano pong sa inyo, ma'am?" ani ng babae. Sinabi ko ang flavor na gusto no'ng dalawa. She listed it. Nilibit ko ang tingin but I don't see him. Nasaan kaya 'yon? "Ah, may iba pa ba kayong gusto, ma'am?" Napatingin ako sa babaeng kaharap nang magsalita ito. I shook my head. "Ah, tanong ko lang." "Ano po 'yon, ma'am?" "Nasaan si Yiago?" "Ah, may kausap po sa likod. Bakit po?" "Ah, wala wala. Thank you." Ngumiti ito saka tumango. Bumalik ako ng table at naabutan ko silang nagtatawanan. Lumipas ang oras na hindi ko nakita si Yiago sa shop. Ayoko naman magtanong sa mga kasamahan niya becuase I think it's not my job to ask where he is. Siya ang may trabaho sa 'kin so he is the one to look for me not me. "Pano, una na kami?" Paalam ni Rose. Tumango ako. "Oo, natext ko na naman si Manong. Papunta na rin siguro 'yon." "O, sya, babush!" "Bye, Eara!" Jecel wave her hand in the air. "Ingat kayo!" I shouted and wave back. I turn my back and walk towards the parking lot of this shop. Malamang ay nandoon na siya. Nang makarating, agad akong pumasok. "Good afternoon, ma'am. Uwi na po tayo?" Tinignan ko siya sa salamin. "Yes." Tahimik kaming umalis. I am listening to my Playlist when he talk suddenly. "Ah, ma'am, sabi pala ni sir kaninang umaga bago tayo umalis, hindi daw siya makakauwi ngayon." "Bakit daw?" "Hindi ko po alam, e. Wala siyang binanggit." Tumango ako. I'm used to it. Parang once a month nga lang matulog si dad sa bahay. I don't know what he's doing and I don't want to know. Pero hindi naman ata magagawa iyon ni dad, right? I trust him. I have trust on him. Kahit na hindi kami madalas magkasama, his still my father. I respect him. "Siya nga po pala, ma'am?" "What?" "Nasabi sa 'kin ni Joan na hinahanap niyo raw po ako kanina sa shop? Bakit niyo po ako hinahanap?" Tumingin ako sa kaniya. Nakita kong nakangiti siya. "Don't think anything. Hinanap kita kasi uwian na no other else." "Wala naman po akong iniisip na gano'n, ma'am." He still smiling. "Whatever!" I rolled my eyes. "By the way, do you have phone already?" "Wala pa, ma'am." "I told you to buy one para kapag may emergency I can contact you." "Wala pa po akong sweldo, ma'am." Right, ilang linggo pa nga palang pala siya. I sighs. "I will ask dad to give you advance payment." "Naku, ma'am, ayos lang po. Nakakahiya naman." "Well, don't be for me rin naman 'yon." "Ma'am—" "Tahimik." Putol ko. "That's final." ___ DB
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD