CHAPTER FOUR: The Guy

1634 Words
The Guy Three days had passed after the contest. And like what I've expected, sinalubong ako ng daan-daang tanong mula sa mga classmates, kakilala at mga tagahanga ko. Simpleng ngiti at tango saka simpleng 'I'm okay' ang parati kong tugon. Mula gate ng university hanggang makarating ako ng room ay hindi ako tinantanan ng mga tanong nila. "Pero congrats pa rin! You did well kaya! Ang ganda pa ng outfit mo, 'di ba?" ani ng presidente ng klase namin. Ngumiti ako sa kanya. "Thank you, pres." Naglakad ako papunta sa upuan ko. Agad naman sumunod ang mga kaklase ko at pumalibot sa akin. "Oo, teh! Kabog na kabog ang outfit mo keysa sa ibang kandidata!" segunda pa ng isa. Ngumiti ulit ako. "Baka Eara 'yan!" sabay-sabay na sigaw ng kalalakihan. Gumaan ang pakiramdam ko sa mga sinasabi nila. Patuloy sila sa pagbibigay ng magagandang komento sa akin. Nang biglang may sumulpot na impakta. "Anong kaguluhan meron diyan?!" Ang kaninang nakatuon sa aking mga mata ay nagtungo sa diretso ng pinto kung saan may nakatayong impakta. "Uy, Ella, congrats!" biglang sigaw ng isang lalaki saka tumakbo palapit dito. Sumunod naman ang ilan at ang ilan ay bumalik sa mga upuan nila. 'Tila ba walang pake sa nakasuot ng koronang si Ella. Oo, si Ella ang nanalo. So, kinaganda niya na 'yan? Hindi ko man sila tignan pero alam kong ngiting aso na naman ang isang 'yan. Dinig ko ang pagpuri sa kaniya ng mga kaklase namin at ang pagpapasalamat niya sa mga ito. Kaplastikan niya! Imbes na makinig sa kanila, dinukot ko ang earphone sa bulsa ng bag at sinalpak sa magkabilang tenga. Tumakbo ang oras at nagsimula ang klase. Nahuli pa nga ng pasok ang dalawang bruha, mabuti nalang late rin si sir kaya nakahabol sila. "Alam mo gandang-ganda na naman sa sarili niya si Ella," komento bigla ni Jecel habang nakatingin sa direksiyon ng mesa nila Ella. We're in the cafeteria. Kakatapos lang ng klase. Napasulyap din ako at agad na umirap nang mahuling nakatingin ito sa gawi namin. Baliw siya. Akala ba niya maganda na siya tignan dahil nakasuot siya ng korona. Bobita, ginawang hairband ang korona. Pangit na nga, bobita pa! "Pagbiyan mo na, 'te. Minsan lang 'yan, dapat lang niyang sulitin." Binalik ni Rose ang atensiyon sa kinakain. Tumingin naman sa akin si Jecel, hindi pa rin matimpla ang mukha. "Nakakaasar 'yong mukha, e. Akala mo sa Miss U nanalo, peke naman 'yong suot na korona." Natawa ako sa reaksiyon niya. "Hayaan mo na. Baka ngayon lang nakaranas makasuot niyan." Natatawang ani ko. Tumawa rin silang dalawa saka nagpatuloy kami sa pagkokomento sa kay Ella. Tumakbo pa ang mga oras at wala akong ibang narinig kay Jecel kung hindi ang inis niya kay Ella. Pati si Rose ay naiinis na din. Samantalang ako, tamang chill lang. Hindi dapat pag-aksayahan ng oras ang hindi tao. Finally, afternoon class dismissed. Naghiyawan mga kaklase ko saka sunod-sunod at kaniya-kaniyang labas ng room. "Uy, 'te, sa bagong milktea-han tayo ngayon. Papalamig lang," suhestiyon ni Jecel habang nag-aayos kami ng sarili at ng mga gamit. "Oo,'te, nakakarindi ka na, e." "Saan ba 'yan?" tanong ko. "Diyan lang sa kabilang kanto," sagot ni Jecel saka pinatunog ang labi na nilagyan niya ng lipstick. Binaba ni Rose nag hawak na salamin saka tinignan si Jecel. "Saan diyan? Maraming diyan, gagang 'to." "Basta diyan lang!" "Malapit lang 'yan, ah!" "Oo nga!" "Nakakatakot kasi'yang diyan mo baka matulad na naman nong nakaraan. Akala ko malapit, takte mahigit tatlong oras bago na'tin narating—" Hindi pa man tapos magsalita si Rose nang biglang may lumipad na crumpled paper sa harapan namin. "Oppss, my bad. Akala ko trash can, e." Sabay-sabay namin nilingon si Ella. Dalawang row ang layo nito sa kinalalagyan namin. Kasama ang dalawa niyang impakta. Ngingisi-ngising tinignan kami ng mga ito. Tumayo si Jecel saka sinundan ni Rose. "Wow, nahiya naman ako sa 'yo at sa mga kuto mong kasama. Akalain mo 'yon mas napagkalaman mo kaming basurahan, e, mas mukha pa nga kayong basura sa 'min." Natatawang saad ni Jecel. Napangiti ako sa naging reaksiyon ng tatlo. Boba kasi kayo, mali kayo nang kinalaban. "Anong sabi mo—" "Oh? Surprising! Trash can talk nowadays," putol ni Rose sa sasabihin ni Ella. "Aba't!—" ani ng isang impakta sa likod ni Ella. "Ops!" Sinenyas pa ni Jecel ang kamay niya. "Swiper, huwag kang lalapit!" "Oh, men!" dagdag ni Rose. Sabay na tumawa sina Rose at Jecel. Natawa naman ako sa katalinuhan nila. Bago pa man makapagsalita si Ella ay tumayo na ako at saka tinignan siya sa mga mata habang may mapang-asar na ngiti. Nanlaban ito sa tingin ko. Tinignan ko ang suot nitong korona saka dahan-dahan na pinapausdos sa buong katawan niya ang mga mata. "You look great with that," I said. Halata sa mukha niya ang gulat. Ngunit agad na ngumiti. "I know—" "You look like my shoes." I added. Nawala ang ngiti nito. "Y-You!" "Ops," mahinhin na tinakpan ko ang bibig. "Mas maganda pa pala ang sapatos ko keysa sa 'yo." "How dare you—" "Oh, please, I don't have time for you." Walang ano-ano'y tinalikuran ko ang mga ito. Hindi ko pinansin ang pagtawag niya. Narinig ko pa ang ilang huling mapang-asar na mga salita kina Jecel at Rose bago sumunod sa akin. Pumunta kami sa sinabi ni Jecel na bagong bukas na milktea shop. Dahil nga bagong bukas, maraming tao. Pero dahil halos lahat nang nandoon ay mga kakilala ko kaya nakahanap agad kami ng pwesto. Nang mailapag ang gamit sa table malapit sa wall glass ay tumayo ako. "My treat. Anong flavor inyo?" Natuwa naman ang dalawa. Agad sinabi ang mga gusto nila, baka raw magbago isip ko. Nang makuha ko ang gusto nila, agad akong pumila. Hindi naman ganoon kahaba ang pila kaya ako agad. "What's yours, miss?" ani ng lalaki. Sinabi ko agad ang flavor. Bumalik din ako agad sa table after. "Mga ilan minutes daw?" tanong ni Jecel nang umupo ako sa tabi niya. "3-5 daw." "Sabagay, medyo maraming tao kaya medyo matagal," ani Rose habang nililibot ang tingin. We talked random stuffs until our order served. "Thank you," ani naming tatlo. The guy in the counter earlier, he also the one brought us our order. At hindi ko man gusto pero sa tingin ko ay panay ang tingin nito sa akin. Mula paglapag niya kasi ng order hanggang sa umalis siya ay nasa akin ang mga mata niya. He's handsome but not my type. At hindi nga ako nagkamali, pati itong dalawang kasama ko ay napansin din. "Bet ka ni kuya," natatawang sumisipsip na sabi ni Rose. "'Di ko bet," sagot ko saka sumipsip na rin. "Pero, aminin, napatitig din," tukso ni Jecel. "Sinong hindi titingin? Eh, tinitignan ako malamang titignan ko rin," dipensa ko. "Suuss!" ani ng dalawa. "Stop it. 'Di ko type, tapos." Umirap ako. Tumawa sila. The whole time na nagstay kami roon ay hindi nila ako tinantanan na asarin sa guy. At talagang gumagawa rin ng way 'yong guy para sulyapan at ngitian ako. Sa tuwing maghahatid siya ng order ay malapit sa table namin at hindi ko man gustong tignan ngunit lagi ko siyang naabutan na nakatingin sa table namin habang nakangiti. Kaya the whole time ay inis ako at the same time, ewan! Matagal na rin no'ng may nagparamdam sa akin. Mga 5 years, I think? Ewan ko ba bakit wala na ulit nagbalak na ligawan ako. Natakot siguro kay dad. Exactly, eight in the evening when we separated our ways. Sinundo ako ni Manong habang sila ay sinundo ng kaniya-kaniya rin nilang sundo. Pero kahit sa biyahe ay hindi nila ako tinantanan. Sa groupchat namin ay todo push pa rin sila about doon sa guy. JECELQUEEN: Told ya. Bet ka ni kuya. Hahahahaha! ROSETY: Akala mo gandara, chosy pa ang Eara na 'yan! HAHAHAHA! ME: So what If I am? Dapat lang maging chosy, 'no! Tinawanan lang ako ng mga ito. Pinatay ko ang phone at saka tumingin sa labas ng bintana. Pinanood ang biyahe namin. Saglit lang nang marating namin ang mansion. Agad akong lumabas ng sasakyan at pumasok sa loob. Nakita ko na nakain si dad ng dinner. "Hi, dad." Napatigil ito at napatinin sa akin. "Oh, you're here. Bakit ang tagal mo yata?" Lumapit ako rito at humalik sa pisnge niya. "Nagbonding lang po kami nila Jecel at Rose." Nanliit ang mga mata niya. "Using your own money?" Nagtaka ako sa tono at tanong niya. "No." Tumango ito. "Good." Kunot-noo na pinanood ko siya sa pagbalik niya sa pagkain. Naramdaman ata nito na nakatitig pa rin ako sa kaniya kaya naman nilingon ako nitong muli. "Oh, bakit? Kumain ka na." I sigh before shaking my head. "Busog na po ako. Akyat na po muna ako." "Okay." Bumalik ulit ito sa pagkain. Tumitig pa muna ako sa kaniya bago naglakad paakyat ng room ko. Pero nasa midway pa lang ako ng stair nang tawagin niya ako. "By the way, Eara." Nilingon ko siya. "Yes?" "Darating na bukas 'yong bago mong driver. Your personal driver." Kumunot na naman ang noo ko. "Paano si Manong, dad?" Umiling siya. "Siya ang nagdecide. Sabi niya ay tumatanda na siya kaya naman nilipat niya sa anak niya ang tungkulin niya sa iyo." "Anak niya?" "Oo, hindi mo ba alam? May tatlong anak 'yang si Manong. Dalawang babae at isang lalaki. And of course, the guy will be your personal diver." Wala sa sariling tumango ako. Hindi ko alam na may anak pala si Manong. "Okay, dad. As long as connected kay Manong." "Okay, hindi ko sure kung maabutan niya pa ako rito bukas dahil maaga ako for flight." "Again?" "Yes." "O-Kay." "Good night, Eara." "Good night po." ___ DB
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD