CHAPTER 20: FAMOUS NAGMADALI akong bumaba ng sasakyan nang nakauwi kami. He called me but I didn’t look back. Nahihiya ako! Kung ano-ano kasing kalokohan ang pumapasok sa utak ni Jec dinamay pa talaga ako! Nilibot ko ang tingin ng hindi ko nakita sina dad. Where are they? Sakto naman na lumabas si Manang. “Nay, where’s dad?” “Oh, hija, nariyan ka na pala. Lumabas sila, hindi ko alam kung saan pupunta wala kasing sinabi, e. Ang sabi lang, hindi na raw sila rito maggagabihan.” Paliwanag niya. Kakain siguro sila sa labas. “Ikaw? Gusto mo na bang kumain?” tanong niya. “Magpalit po muna ako. How about you po? Did you eat already?” Ngumiti ito. “Hindi pa. Hinintay talaga kita. Hala siya, sige na, magbihis ka na para makakain na tayo.” Tumango ako at mabilis na umakyat ng kwarto. Nagpal

