CHAPTER TWO: Jealousy and Envious

1267 Words
JEALOUSY AND ENVOIUS Monday came. At ito na ang araw na kinahihintay ng lahat. I spent my weekends on preparing myself. Tumulong nga sa 'kin sina Jecel at Rose. Two nights silang nanatili sa bahay for this day. "Huy, 'te. Gising na. Mahiya ka naman mas nauna pang nagising 'yong may-ari ng bahay keysa sa'yo. Bruhang 'to." Tinignan ko sa repleksiyon ng salamin si Jecel na ginigising ang tulog mantikang si Rose. Exactly six in the morning but she's not awake yet. Kailangan namin pumasok by seven para sa event mamaya. Required 'yon for candidates. And we didn't practice for this. Walang practice na ginawa since lahat naman daw kami ay nakaranas nang sumali sa gano'n. Nabalik ko ang tingin sa dalawa nang nakarinig ng kalabog. Nakita ko na alng na si Jecel na lang ang nasa kama habang nakatanaw kay Rose na nasa sahig na. Tumingin sa akin si Jecel. "Grabe, 'te. Inuubos nito pasensya ko," sabi niya. Hinarap ko siya habang patuloy na tinatanggal ang skin care na nasa mukha. "Kinilitin mo sa paa, gising 'yan." "Weh?" "Oo nga. Gano'n ginawa ko kahapon." "Pag ito talaga, naku, naku!" Bumaba siya ng kama at saka tinungo ang paa ni Rose. Wala pa man ilag minuto na kinikiliti siya ni Jecel, parang nabuhos ito ng malamig na tubig at agad na tumayo. "Sabi sa 'yo, e." Muli akong humarap sa salamin. Narinig kong nagtalo silang dalawa. Mabilis kaming kumilos. Hindi tinigilan ni Jecel si Rose sa kakabunganga. At isa naman ay halos lagyan na ng malaking harang ang tenga para hindi marinig ang bibig ni Jecel. Kahit ako naririndi rin. "Wala na bang naiwan?" tanong ni Jecel na nasa likod ng sasakyan nakatayo. "Check mo nga." "Dress, check. Shoes, check. Make up, check. Sash, check. Check, check, check! Ayos na." Sinara niya ang likod ng sasakyan. "Let's go baka malate ka na." "Mag-iingat kayo, Eara." Napatingin ako kay Nanay Lumeng na nakasuot pa ng pantulog. Nakatayo siya sa pinto habang nakatanaw sa amin. "Opo, nay. Matulog pa po kayo, ha." Tumango ito saka kumaway. Kumaway din ako. "Alis na po kami." "Bye, Nanay Lumeng!" paalam ng dalawa. "Mag-iingat kayo." "Opo." "Hali ka na. Malelate na talaga tayo. Ang bagal kasi nitong si Rose, e," reklamo ni Jecel. "Makareklamo, ikaw ang rep?" daing ni Rose. Tumingin ako sa suot na relo. "Late na nga." "Tara na, tara na. Kuya, alis na po tayo." Nasa unahan si Jecel katabi ng driver while me and Rose are on the backseat. Todo paalala sa akin si Jecel habang nasa biyahe kami. Bunganga niya ang ginawa naming music sa fifteen minutes na biyahe papuntang University. Silang dalawa ang nagmistulang mga magulang ko dahil bitbit nila ang mga gamit ko papunta sa faculty. Doon kami aayusan at maghahanda. Nagpresenta nga sila na sila raw ang mag-aayos sa akin pero dahil may klase sa umaga ay hindi sila pinayagan ni miss. "O, nandiyan na lahat sa loob ng kailangan mo. Just text us if you need help, ha. Kahit may klase, tutulungan ka namin." Tumango ako. "Salamat, Cel." "Sige na, sige na, mauna na kami. Baka magbago pa isip ko, hindi pa kami pumasok. See you mamaya." Tumango ako. Hinigit niya si Rose palayo. Nakangiting umilimg ako habang tinatanaw sila palayo sa akin. Pumasok ako sa loob at sumalubong sa 'kin ang mga kalaban ko sa contest. Simple contest lang naman ito ngunit grabe kung paghandaan namin. We are all eager to win this contest. Nakasalalay sa amin ang plus point ng klase na kinabibilangan namin. "Hija, ikaw ba 'yong kandidata mula sa section vietnam?" May lumapit sa akin na gay na make-up artist. Tumango ako at ngumiti. "Yes po. I'm Eara." "Ikaw pala 'yan. Ang gandang bata mo pala, ano?" "Salamat po." "O, hali ka na. Ayusan na kita." "Sure po." Inalalayan niya ako papunta sa pwesto namin. He puts make up on me. Masasabi kong nakakawili siyang make-up artist. Pulos kwento siya tungkol sa buhay niya. "At alam mo ba, 'yong pamangkin kong kasing edad mo lang. Naku, matigas ang ulo. Wala ng laman, wala pang pursige sa buhay. Kaya 'ayun nabuntis ng maaga. Ang napangasawa, 'yong kinaiinisan niyang lalaki sa street namin." Natawa ako. "Oh,'di ba pati ikaw natawa. Kahit ako no'ng una kong nalaman—no'ng sinabi niya sa'kin—natawa rin ako. Paanong nangyari 'yon? E, hindi ko nga silang nakitang maayos na nag-usap tapos gano'n? Ay talaga namamg gulat ko noon." Ngumiti lang ako. "Oh, sya, sa lips naman tayo. Nguso ka." Ngumuso ako. Oh, heto may naalala ako sa mga labi mo. Tungkol naman ito sa naging jowa ko." Natawa ako nang 'tila nakiliti siya pagkasabi no'n. "Pasensya ka na kung maharot ang lola mo. Pero kasi kahawig ng labi mo 'yong ex ko." Marami pa siyang sinabi. Bawat parte ata ng mukha ko ay may naalala siya. He's funny at the same time I felt a bit sad for him. Nasaksak daw siya ng isa sa tita niya dahil sa naging boyfriend niya. Hindi niya dinetlaye but he said it's about family thing. Nauna raw niyang naging boyfriend 'yong guy before her cousin. But nagalit pa rin daw 'yong tita niya nang nalaman 'yon. I felt sad everytime family enters the topic. Hindi ko alam kung bakit. Maybe, I felt jealous and envy? Siguro nga. Since I'm young, selos na selos na agad ako tuwing napag-uusapan ang pamilya. O kapag nakakakita ng complete family. Lalo na no'ng preschool ako. Madalas kasing puro family ang event kaya minsan hindi ako naattend ko kaya naman ay si Nanay Lumeng ang kasama ko. Masaya naman ako kahit na si Nanay Lumeng lang ang nandiyan para sa 'kin. But I don't know why I still felt this everytime family entered the conversation. The time flew fast. Dumating ang oras ng lunch. Binigyan kami ng sari-sariling pagkain para hindi na raw kami lumabas at masira ang inayos sa'min. Exact one raw kasi magsisimula ang contest. Hindi rin sila nagpapasok ng students. Nakain na ko nang marinig ko ang boses ni Jecel sa labas. "Anong bawal? May kaibigan naman kami riyan sa loob, ah?" sabi niya. "Bawal nga. Surprise kasi ang mga hitsura nila para mamaya." "Kung sampalin kaya kita para masurprise ka rin?" "Sige, gawin mo!" "Aba't sasagot pa—* "Hayaan mo na. Hali ka na. Mamaya na lamg na'tin puntahan si, Eara." Dinig kong sabi ni Rose. "Kabanas to, e. Hoy, ssg ka lang pero student ka pa rin. Makaasta parang principal." "Tara na, tara na." Pumasok ng babaeng nangharang sa kanila. Busangot ang mukha nito at bubulong-bulong pa. Umiling na lang ako sa narinig. Gaga talaga 'yang si Jecel, walang inuurungan. Natapos akong kumain at muli akong binalikan ni Jeffrey, siya 'yong nagmake up sa akin. "Ayos na naman. Huwag ka na lang magpainit para hindi ka pawisan, ha?" Tumango ako. "Salamat." "Naku, pretty ka na naman kaya hindi ako nahirapan." Nag-usap pa kami ng kaunti bago siya nagpaalam na aalis na. Aalis na raw sila ng mga kaibigan niya. Hindi raw kasi sila manonood dahil may pupuntahan pa sila. Kaya naman I gave him a tip. Hindi pa nga niya tinanggap but I insists. Kinulit ko kaya walang nagawa. "Salamat, ha," aniya. "Mauna ako. Goodluck!" "Thanks po." Ilang minuto pa kaming naghintay bago pumasok si Ma'am Cruz, ang madalas na emcee sa tuwing may event sa school. "Girls, are you ready? We hve still 10 minutes before we starts. Goodluck to all of you. Reminder, kasiyahan lamang nito walang samaan ng loob, okay?" "Yes, Ma'am." "Okay! Let's begin!" ___ DB
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD